Ganito po kasi, yung kapatid ko napa trouble. Nkipag suntukan, yung nakasuntukan nya is kapatid ay baguhan police. P01. Napakayabang nya na sumugod dito sa bahay namin. Sa tapat ng bahay namin sya nagbunganga. Ang lakas ng boses at panay ang mura. Minamdaling Pinapalabas ang kapatid ko ng bahay at bibilangan pa daw nya ng sampu pag hindi lumabas, navideohan namin yun saka ang pagmumura nya at marami ang nakakita na testigo. At saka tama din ba yung ginawa nya sa kaibigan ng kapatid ko na kasama sa trouble, hinawakan nya ang batok nito at parang pinipisil tapos sinisigawan nya . Napakayabang ng asta nya ng pagtatanong. Pasigaw. Ang sabi. Ilang taon kana! Sige sumama kayo sa presinto! Ipakukulong ko kayo !
Nakapag harap na Kami sa brgy chairman at humingi na ng pasensya kung yung kapatid ko naman ang umuna sa suntukan, kaso ayaw nya paareglo eh yung kapatid nya ok nman at ni wala naman kagalos galos. Walang injury. Sadyang o.a lang itong kapatid na pulis komo at pulis susugod sya sa bahay namin at maninindak. Ngayon ayaw nya magpa areglo. Mag kokontra demanda kami, ano po ba ang mga pwede ikaso sa bastos na pulis na to? Masyadong matabil ang dila eh sa ibang lugar naman sya nag tatrabaho at hindi sya on duty nung time na yun. Pa-advise po ng dapat gawin.. salamat!