Nasa isang company po ako at yung guy (na may asawa) at yung girlfriend nya.(kahit may asawa sya may girlfriend sya) and me with my girlfriend as well. Then nagkaroon ng alitan yung girlfriend ko and yung guy kasi sinisiraan nya yung girlfriend ko dun sa mga kaibigan nya (including sa sarili nyang gf which is kabarkada ng gf ko). Then nung kinompronta sya nung gf ko eh kung ano ano ang sinumbong nya sa mga supervisors namin. Then same scenario and this time ako naman. Nagemail ako sa kanya stating na pagnagkita tayo sisiguraduhin kong luluhod ka which in my opinion eh pagdumating yung araw na magkita kami at humingi sya ng tawad eh lumuhod muna sya. Nagsmbong sya sa supervisors and managers na pinagbabantaan ko daw sya even sa HR ng company namin na kung ano anong kasinungalingan ang sinabi para masira kami and girlfriend ko which is nakamit nya. Pinagkalat nilang dalawa nung Girlfriend nya na masamang tao daw kami. Ano po ang pwede kong ikaso sa kanila?
Free Legal Advice Philippines