Magtatanong lang po ako, kasi nakabili po ng lupa ang papa ko noong 2003 sa isang tao, nagbayad po sila ng 250,000 pesos, nagpirmahan po sila sa brgy ng payments, nagpanotarized din sila ng mga papel. Binili po ang lupa ng walang title ang hawak lang po namin na papel is Deeds of Sale and Self justification. Bali ung binilihan po namin ng lupa is wala din sakanya ang original title kundi nandun sa unang may ari ng lupa. Ngayon po ung unang may ari ng lupa at pumirma ng self justification para masabi na ibinenta nya ang lupa kay Bondad at si Bondad ay binenta naman ito saamin. Ang problema po ngayon is balak namin ayusin ung titulo sana ng lupa kaso ung Manacop na original na may ari ng lupa ay namatay na, ang mga anak naman at asawa ay nasa USA. Isa pa pong problema namin ay ang kamalian ng nanay ko na bukod tanging ung self justification paper ay hindi napanotarize at un po ang may pirma nung unang may ari ng lupa si Manacop. Nammroblema po kami kung papaano ang gagagawin namin para maayos ang lupa dahil kelangan po namin ibenta ang lupang iyon. May paraan po ba para mapaayos ung titulo? salamat po ng marami