Nagkaroon kami ng relasyon bago nag agree kami pumasok sa isang company. Under ko yung babae. After ilang buwan, nag-usap kami itigil na namin.
OK pa naman kami magkatrabaho tsaka ayos pa kami parang hindi kami naghiwalay.
Nagtry ako makipagbalikan sa kanya pero ayaw na nya. At sobrang galit talaga nya. Sinabihan ako na yung ginawa ko harassment at hindi ko daw alam kung anong stress binigay ko sa kanya. Nag try ako makipagkasundo sa kanya pero sobrang galit talaga nya nakulitan na yata sa akin at sabi nya irereport na ako at ipapakita lahat ng messages ko sa kanya.
Tumigil na ako makipagusap sa kanya. Puro work-related naman pag maguusap kami at so far maayos pa naman. Pero uncomfortable na din para sa akin at tingin ko para sa kanya. Nagbabalak na ako umalis sa company since may lilipatan na din ako. Para wala na din yung stress na dinadala namin. Lagi din sya nag rarant na gusto na din nyang umalis ng company pag may mga meeting sa ibang members.
Kinakatakot ko lang, baka i-reklamo pa rin ako kasi ako nga yung TL at sa kanya mapapapunta yung pwesto. Hindi ko alam kung gusto nya or ayaw since stressful din yung work. Baka sabihan pa nya ako binabawian ko sya.
Valid grounds ba na harrasment ang nangyari? Pwede pa rin ba ako ireklamo habang nag rerender ako ng resignation? Or kahit wala na ako sa company?
Salamat sa makakasagot.