We need legal advice. Yung kaibigan ko po may anak na babae below 7 yrs old ngunit di sila kasal nung tatay ng anak niya. Malaya naman nabibisita o nakukuha yung bata sa bahay ng kailbigan ko pero dinala ng tatay yung bata sa malayong probinsya nila ng walang consent ng kaibigan ko. Ngayon, nakikiusap kami ibalik yung bata pero wala na silang balak ibalik agad at ang gusto nila na idadalaw na lang ulit ang bata sa nanay niya kung magkataon. Ano po ba ang dapat namin gawin para maibalik ang bata sa nanay niya? Salamat po sa mga sasagot.