Na dismissed ang kaso na file ko laban sa asawa ko at sa lalaki niya. Pero yung ginawang kaso nung lalaki sa akin na "slight physical injury" natuloy, hanggang sa natapos na at ito nga may arresto mayor ako ng 11 days pero ayoko makulong kaya ako ng apply ng probation. Sobrang tagal ng proseso puro interview, umaattend ako at ngrereport sa probation office pero lagi lang sinasabi maghintay ako kasi mgsi CI daw sila sa mga taong nakakakilala sa akin. Matino akong tao, pero bakit ako ngsa suffer sa kasalanan na dapat yung lalaki (na kalaguyo ng asawa ko) ang dapat makulong at hindi ako.
Yung agency na inaaplyan ko, okay naman,kinuha naman nila NBI ko kahit may remarks. lahat ng papeles ko okay na. naghihintay nalang ako kung kailan ang alis ko. Ang tanong ko lang po. ano mangyayari sa akin kung sakali nga na makaalis na ako pero hindi pa tapos probation ko. Sana po matulungan niyo po ako sa bagay na ito. Salamat po.