Meron po kaming trucking services. At na involve ung isang trak ko sa aksidente. Bumangga siya sa isang hyudai SUV at ung SUV bumangga sa isang Nissan Sentra. Kung insurance daw po ang gagawin, gusto po ng may ari ng SUV na ipa impound ung truck hanggang di na approved ung claim nila sa insurance. Kaya mas mainam daw po isettle na lang na walang police report at ipagawa na lang ung damages niya sa casa worth (30,000). Sa taranta po ng ate ko pumayag na lang makipag ayos kasi ayaw daw ma impound ung truck ng ganun katagal. kaya nag deposit sya 10,000 agad sa SUV at 5,000 para dun sa Nissan Sentra. Sobrang galit ko po kasi naka comprehensive insurance ung truck at ang mali pa hindi na sila kumuha ng police report kasi nga daw i-impound ung truck.
Moving forward, maari po ba akong kumuha pa ng police report? kahit may verbally agreed na settlement? gusto ko po kasi ipasok sa insurance dahil medyo malaki po premium ko for comprehensive insurance tapos hindi ko gagamitin. Puede ko na po ba hindi i entertain si SUV? at sabihing insurance na lang ang kakausap sa kanila?
Salamat po sa sasagot. Also looking for attorney na we can afford lalo na po may trucking kaming madalas magkaproblema.. yung mura lang po sana ang retainers fee kasi 4 lang po truck namin.