Kailangan ko po talaga ang legal advice ninyo regarding po sa problema ko.
Dati po akong member ng AFP, pero nag.pa.discharge po ako with Honor. Bago ako umalis, nag.inquire na po ako sa mga seniors ko if need ko pa ba i.settle yung accounts ko sa loan institution, ang sabi nila, no need na daw kasi yung loan daw namin is covered ng insurance. So hindi po ako nakigpag.settle. Last day, tumawag po sa akin yung taga loan association at siningil ako. Kinusap ko po kung ano yung mode of payment, gusto nya agad yung full payment worth 62K with interest and penalty na po yun. Sinabihan ko po sya na wala po ako pambayad ng full kasi ang sahod ko po ay halos nasa minimum lang. Ang sabi po nya kung hindi daw ako makapag.bayad hangang October 27 po ay mag.file sya ng case laban sa akin. Ngayun po, nakiusap po ako sa kanya kung pwede kahit partial lang muna. Pinabigyan nya po ako, dapat daw wala pang Oct 23 ay makabayad ako ng 20K.
Question ko po is;
1. Ang sinasabi po ng mga kasamahan ko sa AFP na ang insurance na po ang magbayad ng remaining balance ng loan, totoo po ba yon?
2. Kung totoo po, may right pa bo silang habulin ako na ang insurance namn pala ang magbayad sa kanila?
3. At kapag hindi po totoo, ang demand nila na initial payment worth 20K hangang Oct 23, pag di ko po iyon mabayaran, makapag.file po ba sila agad nang case laban sa akin?
Sa totoo lang po, wala po akong balak takbuhan ang utang ko sa kanila. Naniwala lang kasi ako sa sinsabi ng mga kasamahan ko dati.
Sana po mabigyan nyo ako ng advice kung ano ang dapat kong gawin. Maraming Salamat po.