Hi po! Gusto ko po kasi sana magfile ng RA 9262 sa tatay ng anak ko para po sa sustento ng bata. Dati lang po kaming magkarelasyon, hindi kami kasal, iniwan nya po ako non nabuntis ako. Hindi po sa kanya nakapangalan yun anak namin kasi hindi na po sya magparamdam mula non iniwan ako. Pwede pa rin po ba ako magfile ng case? Tapos po, dati kasi sa Manila ako nakatira, don kasi ako nagwowork pero noong nanganak ako umuwi na kami ng probinsya, pwede po ba ako dito magfile sa probinsya? O saan po ba ako dapat magfile kung sakali? Maraming salamat po sa tutugon.
Free Legal Advice Philippines