Free Legal Advice Philippines
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

Threat of filing ra 9262

3 posters

Go down  Message [Page 1 of 1]

1Threat of filing ra 9262 Empty Threat of filing ra 9262 Tue Sep 11, 2018 6:23 pm

andresbeloyjr


Arresto Menor

Good evening po attorney ako po ay lalake na may asawa, kaso po last year napadala po ako sa davao while my wife is in manila, may nakachat po ako sa fb na girl na taga davao may problem daw sya sa passport kaya need nya ng money 1,500, so ako nag offer ng tulong may nangyari po samin sa boarding haws ko po at that time mga july po yun and binigyan ko po sya ng 1500, kaso after 2 weeks po nagdeclare po sya na buntis daw sya sabi ko naman impossible ako ang ama, then after po nun sumugod po sya sa boarding haws may dala maleta sabi nya pinalayas po sya ng parents nya sinakal nga po sya ng mama nya sabi nya nun, so ako po pinatira ko po sya pansamantala sa boarding haws, pumunta po yung nanay nya dun para sunduin sya tapos umuwi naman po sya after a week, nabigla na lang po ako kinausap po ako ng nanay nya kasama ang tita nya with her din na panagutan ko daw yung pinagbubuntis ng anak nya tinapat ko po sila na di po sure ako sa sarili ko na hindi ako ang ama nung bata, after po nung confrontation pinupuntahan po ako ng babae sa boarding haws ko and nagthreaten sya na magpakamatay sya pag tinapos ko yung relasyon kaya po since july till december pinayagan ko po na tumira sya dun kasi natakot ako na magpakamatay sya and maeskandalo ako, pero nung november po nagchat po sya sa asawa ko and sinabi nya na nabuntis ko daw sya ayun po muntik na po kami maghiwalay ng asawa ko pero nagmaka-awa po ako sa asawa ko na patawarin ako and naexplain ko sa kanya ang situation at naintindihan naman po nya, sa ngayon po nanggugulo ang babae sakin and magsampa daw sila ng kaso sakin, nagconference po kami sa IGDD and sinabi ko po na willing po ako magsupporta kung anak ko po talaga yun as form of dna test, sabi po ng attorney dapat daw ako ang maglabas ng pang dna test, kaso po wala po ako money worth 40-60k po ata yun, tinanong ko po si attorney if mag negative po ang result mababayaran po ba ako sabi ng babae sigurado daw po sya na ako ang ama and wala po sya means of paying kung sakali, tinapat ko po yung attorney sa conference na kaya ko po mag ipon ng 5k per month for 9 months kahit mahirap para lang po may pang dna test kami kaso po ayaw po pumayag ng babae and magfile daw ng case, nakita ko po yung bata and alam ko po sa sarili ko na hindi ko po anak yun, sabay po namin mag asawa na hinaharap ang problem na ito ngayon, ano po ba ang dapat namin gawin in case magfile po ng case ang babae sa akin, ayaw ko po ng gulo gusto ko lang po na mapatunayan po na anak ko po as a form of dna test bago magbigay ng suporta

2Threat of filing ra 9262 Empty Re: Threat of filing ra 9262 Wed Sep 12, 2018 11:40 am

BCL13


Arresto Mayor

Pinirmahan nyo po ba ang birth certificate? If hindi po, ung nanay ang mgshoshoulder ng DNA testing. Kahit po kasuhan nya kayo eh korte na mismo ang mnghihingi ng proof sa kanya. Pwede nyo po sabihin sa korte na di kayo sigurado if anak nyo ung bata as defense. Ang sa tingin ko na pwede nya lang ilaban sayo eh ang pgtulong o pgsasama nyo. May records po ba kayo like text messages about sa threats nya of suicide. Pwede nyo din gamitin un as defense for letting her stay. Check nyo rin po ang estimated date of conception nung bata if pasok dun sa date na may ngyari sa inyo if once lang talaga. Hindi po agad nadedetect ang 2 weeks pregnancy pa lng lalo na if ung home pregnancy test lng.

PS. I'm not a lawyer

3Threat of filing ra 9262 Empty Re: Threat of filing ra 9262 Wed Sep 12, 2018 12:17 pm

andresbeloyjr


Arresto Menor

Salamat po you have a point po, pero sana mabigyan ako ng free advice ng isang lawyer po, natatakot po kasi kami mag-asawa na makulong ako, pero kung ganun po mangyayari tanggap ko narin po kasi nagkasala ako both sa asawa ko at sa kanya dahil po sa nagawa ko pakikiapid, naawa lang po ako sa mga anak ko at kung posible man na anak ko yung sa kanya kasi kung makukulong ako pano ko po sila mabibigyan ng magandang buhay

4Threat of filing ra 9262 Empty Re: Threat of filing ra 9262 Wed Sep 12, 2018 12:20 pm

andresbeloyjr


Arresto Menor

And di ko po pinirmahan ang birth certificate nung bata at wala po ako nung nanganak sya kasi alam ko po na di ko po anak yun may possibility lang na maging anak ko kasi may nangyari sa amin, di ko po na-acknowledge yung bata

5Threat of filing ra 9262 Empty Re: Threat of filing ra 9262 Wed Sep 12, 2018 1:21 pm

xtianjames


Reclusion Perpetua

kung di mo naman pala inacknowledge yung bata, let them file their case against you. tulad nga ng sabi ni BCL13, burden of proving the paternity of the child lies with the mother kung sya ay hindi acknowledged.
if lumabas man na anak mo nga yun, malamang sa hindi ka naman ipakulong ng korte since nga di pa establish ang filiation nyo before. kaso, from that point on kelangan mo suportahan ang bata regularly para di ka ulit makasuhan.

6Threat of filing ra 9262 Empty Re: Threat of filing ra 9262 Wed Sep 12, 2018 1:24 pm

andresbeloyjr


Arresto Menor

Maraming salamat po wait na lang po namin magfile sila ng kaso kasi nastress narin po misis ko na buntis ngayon dahil sa pananakot nya na ipapakulong daw ako at magsasampa sya ng kaso

7Threat of filing ra 9262 Empty Re: Threat of filing ra 9262 Wed Sep 12, 2018 1:57 pm

xtianjames


Reclusion Perpetua

just tell her to proceed filing her case and cease from bothering your family. haharapin mo na lang kamo yung ikakaso nya.

Sponsored content



Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum