Last 2010 po kasi humiram ako sa lending company para sa placement fee ko papuntang taiwan. 50k po ang pinahiram sa akin. Nung nasa taiwan na po ako, nakapagbayad naman po ako nang mga 2 mnths. Kaso po nung nawalan kame nang ginagawa sa taiwan ay nagdecide na lang po ako umuwi dito sa pilipinas. Kakareceive ko lang po nang letter ngaun na kelangan ko daw po magbayad nang 70k after 5days na mreceive ko yung letter. Kung hindi daw po ako magbabayad, magpafile daw po sila nang estafa against sa akin.
1. Ano pong dapat kung gawin? Wala po ako pambayad sa kanila since na bago pa lang po ako sa work ko. 2010 pa po yung nagkaroon ako nang utang, bakit ngaun lang ako nareceive nang letter galing sa kanila?
2. Makukulong po ba ako kapag hindi ko siya nabayaran? Dalawang babae daw po kasi ang nagdala nang letter dito sa bahay namin sabi nang mommy ko. Ang hinahanap daw po is daddy ko. Tingin ko po, ngwowork yun dun sa lending na pinag utangan ko.