Hello po need help, yung boss ng husband ko nag file ng estafa at qulified theft sa husband ko. Eto yung nangyari si Boss nag invest ng 80k para mga products na ibebenta ng husband ko at ng team nya. Ngayon start na sila ng work after a month nag resign na yung mga kasama ng asawa ko kasi nga hindi pinasahod ng maayos ni boss, kung ano benta today yun yung paghahatian para mabuo lang yung sasahorin nila. And si husband as in wala talagang sinahod ni piso. Eto na ngayon lahat ng products andun kay boss pagbinenta yun worth 120k pa, makikipagsettle na sana si husband before ibalik nya yung 80k tapos ibbigay ni boss yung products eh ngayon ayaw pumayag ni boss kasi gusto nya 120k ang ibalik sa kanya na pera, nagfile sya ngayon ng estafa at yung sa qualified theft naman first is nag invest sya 50k 2nd investment is 30k yung 20k niremit ni hubby dun sa ofis kung san nya kinuha products then yung 10k binulsa nya pero pinalitan nya ng products na hawak nya na andito sa house, dumiskarte lang kasi hindi nga pinasahod eh at kakapanganak lo lang that time. Ngayon ang tanong ko makukulong ba agad si hubby dahil nagfile nga yung boss ng qualified theft at estafa? or may chance pa sya para e defend ang kanyang sarili? kasi sabi magbabayad daw kami agad ng bail worth 60k eh hindi pa mga nagharap harap sa korte please help po.