Nag-invest ako sa lending 228,000 lahat iyon with 5% monthly interest at may amount din na ginamit sa pahulugan ng imported perfumes & jewelries. Ginawa kong taga-singil ang asawa ng pamangkin ko since sya naman ang nakakakilala sa mga taong nangutang at meron siyang commission doon. Iyong 5% na pautang ko sa lending ng cash pinapatungan niya ng 3% at iyon ang commission nya. Yun namang sa perfumes at jewelries, 50-50 kami sa profit pero akin lahat ang puhunan. Walang kasulatan lahat ang mga pautang. Pero ang nangyari niloloko niya pala ako sa umpisa pa lang at huli na ang lahat ng matuklasan ko. Lagi niya sinasabi na hindi daw nagbabayad ang mga nangutang, yun pala nagbabayad naman at hindi lang nya nire-remit sa akin. Nagre-remit din naman siya pero kakarampot lang kasi nga hindi nya binibigay sa akin lahat. Halos ma-stroke ako sa galit nang matuklasan ko na niloloko pala niya ako. Inamin naman niya ang ginawa niya at humingi ng tawad pero hanggang ngayon hindi pa din siya nagre-remit ng mga nasisingil niya kaya gusto ko na siya sampahan ng kaso. Sabi nya babayaran na lang daw niya ang lahat ng nadugas nya sa akin unti-unti pero wala na lang daw tubo. Hindi ako naniniwala sa kanya na babayaran niya yun kasi nga sanay sa kawalanghiyaan eh. Ngayon, ang tanong ko ano ba ang pwede kong isampa na kaso sa asawa ng pamangkin ko at kailangan bang bago magsampa ng kaso mag-barangay muna kami. Please advise. Thank you.