isa po ako na humahawak ng pera ng sales namin at tagadeposit sa bangko...sir tatanung ko lang po sa inyo tungkol po sa aking problema, nakagamit po kc ako ng pera ng companya sa halagang 120k na hindi po nalalaman ng companya hanggang sa nalaman nila na nagamit ko ung pera, unang nakagamit po ako ng pera sa halagang 41k po pero nabayaran ko po ito tapos ung 2nd time po naman ay nakagamit po ulit ako sa halagang 70k po, kinausap po ako ng boss ko, isa lang po cya sa may ari ng companya at nakiusap po ako na babayaran ko po ng unti unti po ung nagamit ko,, pumayag po ang boss ko at hindi po nya pinaalam sa iba pang kashare nya po sa companya ang nagawa kong kasalanan at sabi po magpakatino na daw po ako , after 5mos po nakagamit na naman po ako ng pera sa halagang 50k po ,,,nangako po ako ng date na kung kelan ko babayaran 1 week po un pero ndi ko po natupad bayaran lahat , 10k lang po ang nabayaran ko, nagalit na po ang boss ko kc pag nagttxt po ako sa kanya ndi po cya nagrereply po at minsan tumawag po ako di rin po nya cinasagot...nalaman po ng iba pang kashare nya sa companya ang nangyari sa ngamit kong 50k po , kaya may naririnig po ako na pede ako makulong po kapag di ko po nabayaran sa takdang araw na sinabi nila,nagtxt din po ang driver nya na syang nagffollw up ng payment ko na pag di ko po nagawan ng paraan bayaran ay magpapababa n daw po ng WA po... nagtxt po ako sa boss ko at nakikiusap na ung pede ko bayaran na lang sa pamamagitan ng sahod ko po ang mga nagamit ko pero ndi po cya nagrereply po....humihingi po ako ng advice nyo po kung panu ko po haharapin ang ganitong problema ko at kung ano po pede kung sabihin sa boss ko at kung anu po pede ikaso po sakin....nagamit ko po ang pera sa pambayad ng utang ko at ibang biglaang pangangailangan po.....lubos po akong umaasa sa inyong advice po...maraming salamat po...
Free Legal Advice Philippines