Good day Sir/Madam
Tanong ko lang po if pwede pa po marefund yung money na binigay ng boyfriend ko sa agent issuing only a hand written receipt as reservation po yung P2, 500.00? Kukuha po sana sya ng rent to own na house and lot via Pag-IBIG financing, kaya lang po may medical condition po sya na kailangan unahin kesa panghulog sa equity nung bahay, kaya mgbaback-out na po sya, kaya lang po non-refundable daw po yung pera kasi based daw po sa agreement yun. Wala pa din po kami napapasa na kahit anong documents sa knila, may pinapirmahan lang po na reservation agreement.
Wala pa po binibigay yung broker/agent na kung anong phase, block no/unit no. kung alin po ba yung pinareserve kasi sold out na daw po yung mga unit, waiting pa daw po yung sa kanya, magaantay pa daw pong may mag open house.
yung project na phase 2 po nila is hindi pa po nasisimulan, wala pa pong house na nakatayo, in short up to this time there is no unit that have been reserved for me yet. Dahil nga po sa health condition ng boyfriend ko, nagdecided po kame not to pursue the purchasing.
Can you please advise me if I can insist for a refund? Kasi unofficial din po yung receipt na binigay nila. Parang acknowledgement receipt lang po sya na hand written.
I hope matulungan nyo po ako.