Hello, Good morning. Meron kasi kaming bakanteng lote dati, ngaun nung nangaylangan ng titirahan yung tita ko pinatira sila ng tatay ko dun sa bakanteng lote namin. Ngaun almost 40yrs na silang nakatira dun and patay na din ang tatay ko pero pinamana sakin ng tatay ko yung lupa na un inshort nasapangalan ko na yung titolo and ako na din ang nagbabayad ng land tax. Ilang beses ko na kinausap ng maayos yung tita ko na gagamitin ko na yung lupa ko kaso ayaw nyang pumayag kesyo sakanila daw yung lupa na un. nagoffer na din ako na bibilhin ko nlang yung bahay nila pra wala ng away kaso ayaw talaga nila. Inangkin na nila yung lupa. Hindi naman sila mahirap, yung 3 nyang anak pareparehong kumikita ng 100 thousand monthly and may binili na din silang house and lot katabi lang halos ng bahay na tinitirhan nila ngaun. Ang tanong ko po may karapatan ba ko magfile ng legal action sakanila? Malaki ba ang chance na mapaalis ko sila dun? May laban ba sila? Kaya ko sila gusto paalisin dun kasi wala akong sariling bahay nangungupahan lang ako. Eh gusto ko na magpatayo ng sarili kong bahay sa sarili kong lupa. Maraming salamat po.
Free Legal Advice Philippines