Kumuha ako ng smart tv sa Aeon Credit. I used to pay on time until natanggal po ako sa work. 2 months na akong hindi nakakapagbayad and nakareceive ako ng text na may field collector daw na pupunta sa apartment ko para icheck yung tv. The thing is, lilipat na po ako ng apartment next week dahil since partner ko na lang ang nagwowork, di na namin afford yung inuupahan namin ngayon. Masasampahan po ba ako ng kaso in case na di nila ako makita dito sa apartment? Wala po akong balak taguan ang utang ko and in fact once na makalipat na kami ng apartment is maghahanap na ako ng work para masettle yung remaining balance ko. I just don't want to take it against me pag lumipat ako ng apartment baka kasi isipin nila na tinataguan ko obligation ko which is not. Can they file a complain in the barangay kahit di na ako resident ng barangay? Or diretso na sila magfile ng case sa small court? Thanks sa sasagot