kumuha po ako ng TV at dryer wayback 2015, at dahil po nawalan ako ng trabaho hindi ko po nahuhulugan ang obligation ko kay aeon hanggang sa ngaung araw po nagtext sa pinsan ko na on the way na daw sila sa bahay namen, naalarma ako agad at agad na nagpanik dahil hindi ko kilala ang nagtext hanggang sa nalaman ko na taga makati office daw sila at may warrant of arrest na daw ako. at anytime ay dadamputin na daw ako ng pulis. tinannong k kung paano ko maayos ang problema sinabe nila na makipag ugnayan ako kay ATTY. NEIL MACAPAGAL at gnawa ko naman umabot na sa 26k ang kulang ko na dating 3k lang naman, nakiusap ako na itutuloy ko na ang paghuhulog pero nais po nilang bayaran ko ang kulang ngaung araw din po. saan naman ako kukuha ng ganyang kalaking pera sa oras na ito, nakunan pa ako at kakalabas ko lang ng ospital. tulungan nio po sana ako at mabigyan ng advice para po sa ikakapanatag ng aking kalooban. salamat po.