Free Legal Advice Philippines
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

Please Help! Credit Problem sa isang Financial Company (AEON CREDIT)

+9
arnoldventura
gail
jbdlacrz18
robelleejo
Gabriel1987
Jadis
Cyrine
Glaize San Jose
Bryan Angeles
13 posters

Go down  Message [Page 1 of 1]

Bryan Angeles


Arresto Menor

Good Day po!

First time ko po dito. Sobrang gulo lang po ng isip ko ngayon at instead na magpanic, sinubukan kong kumalma at humanap ng way.

Meron po akong kinuhang TV sa AEON Credit, Natapos po nong July 2016, pero di ko po nabayaran ang last 2 months dahil sa financial problem. So lumobo na po, at nagsisimula na po akong makatanggap ng mga text from different number (pero nagpapakilala naman na taga AEON) Ang laman like, pupuntahan ka namin sa office mo, mapapahiya ka. Pupunta kami sa barangay. Kahit sino naman po siguro kung meron bakit di po bayaran, sa case ko, talaga wala po akong mailabas. Today (Nov 9, 2016) Nakarecieve po ako ng text na from Fiscal's Office daw ng Makati Prosecutor. Ang co-maker ko po ay ang aking boss, kaya nakatanggap din sya at syempre nagalit po saken. Inaamin ko po yon. Pero nong tinagawan ko po ang number na nagpakilalang taga Makati Prosecutor's Office. Naririnig ko po ang background nya at feeling ko halos di sya sure sa mga sasabihin saken, kaya lagi po nya akong hinohold. at may naririnig po akong babae sa background. Nong bumalik na po sya, ang sabi saken tawagan ko daw si ATTY. NEIL MACAPAGAL, tinawagan ko po at same background at yong babae na naririnig ko kanina, naririnig ko ulit. So nagduda po ako na baka part lang ng team nila yon.
Nong sinabi ko pong pupuntahan ko na lang po ang Makati Prosecutor's Office, bigla po sabi saken, wag na. i-settle mo na lang kung magkano ang kaya mo, kailangan lang namin ng commitment mo. Sabi ko sa 15 pa ang sahod (Tuesday) Sabi nya sige ibigay mo na lang muna ang 5k today at sa 15 na ang 10k. Ang sabi ko po, pwede ko po ba muna makita ang breakdown ng babayaran ko, umabot na po kasi sa 15k. 2 mos na di nabayaran (2,300 per month) pano po umabot ng 15k, ang sabi saken, buti nga di ko na nilagyan ng iba pang charges yan, i settle mo today para di na i serve ang summon mo.

Ano po bang pwede kong gawin? Babayaran ko naman po, pero hindi agad2, pwede po kaya akong humingi ng iba pang terms? Kasi feeling ko na harassed po talaga ako, kasi nanganganib na po work ko dahil nadamay po ang Boss ko (aminado naman po ako sa pagkakamali ko) Pero possible po akong mawalan ng work dahil sa ginawa ng AEON Credit. Sana po matulungan nyo ako. Salamat po. God Bless.

2Please Help! Credit Problem sa isang Financial Company (AEON CREDIT) Empty Same Aeon Credit Scenario Mon Nov 14, 2016 2:35 pm

Glaize San Jose


Arresto Menor

Hi Bryan,

This same Atty. Neil Macapagal is contacting my sister and urging her to pay P13,000 for my debt. I have not paid for 4 months due to financial problem. I have checked the list of lawyers in the Philippines and found a Romniel Macapagal but not sure if this is the same Atty. Neil Macapagal contacting us. I only paid 1100 per month so the 4 months I have not paid should only be more or less 6,000 including dues and penalty. I wanted to know how you go through with this. I have asked for his office address but refused to give and urged me to just pay my debt. Please add me on facebook and I would like to know more about your story too so we can know if this is legitimate or not.

Cyrine


Arresto Menor

Same problem and situation here. Harassment talaga kasi nasa US ako tapos mga kapatid ko naiwan. Mga reference ko is family ko lang. Wala naman akong napakalaking utang o ano. Bumili ako ng phone sa Oppo tapos inapproach ako ng Home Credit. So parang may 8,000 pesos ako na kulang tapos sila na daw magbabayad. Ngayong nasa US na ako nagkapatong patong na problema ko dahil delayed na lahat kasi wala pa atdi pa ko pwede mag work dito. Lagi ko sila ine email para malaman status at san ako pwede magbayad ni minsan di nila ako nireplyan. Ngayon kakatawag ko lang sa number na nagtext sa pamilya ko na "Looking for Ms. Cyrine Mae .... on the way na kami" so tinawagan ko ang ingay grabe tapos tinakot pa ko na may 3 cases daw para sa akin, pero kahapon ang sabi sa kapatid ko may 4 cases daw ako. Binigay ng lalaki yung umber ng Atty. Neil Macapagal. Kasi mapipilitan daw silang sumulat sa US embassy dahil sa kaso ko. Kasi daw pag napunta na daw sa prosecutors office ibigsabihin ang damage ko daw is around 10,000-200,000 pesos. Wala akong ibang utang kundi Home Credit. Tsaka yung phone na binili ko sira na 10months pa lang. Anong nangyari sayo? Scam ba to? Napaka unprofessional po. Grabe ang tatay ko may sakit sa puso kakasuhan din daw nila. Di na makatulog tatay ko.

Cyrine


Arresto Menor

Same problem and situation here. Harassment talaga kasi nasa US ako tapos mga kapatid ko naiwan. Mga reference ko is family ko lang. Wala naman akong napakalaking utang o ano. Bumili ako ng phone sa Oppo tapos inapproach ako ng Home Credit. So parang may 8,000 pesos ako na kulang tapos sila na daw magbabayad. Ngayong nasa US na ako nagkapatong patong na problema ko dahil delayed na lahat kasi wala pa atdi pa ko pwede mag work dito. Lagi ko sila ine email para malaman status at san ako pwede magbayad ni minsan di nila ako nireplyan. Ngayon kakatawag ko lang sa number na nagtext sa pamilya ko na "Looking for Ms. Cyrine Mae .... on the way na kami" so tinawagan ko ang ingay grabe tapos tinakot pa ko na may 3 cases daw para sa akin, pero kahapon ang sabi sa kapatid ko may 4 cases daw ako. Binigay ng lalaki yung umber ng Atty. Neil Macapagal. Kasi mapipilitan daw silang sumulat sa US embassy dahil sa kaso ko. Kasi daw pag napunta na daw sa prosecutors office ibigsabihin ang damage ko daw is around 10,000-200,000 pesos. Wala akong ibang utang kundi Home Credit. Tsaka yung phone na binili ko sira na 10months pa lang. Anong nangyari sayo? Scam ba to? Napaka unprofessional po. Grabe ang tatay ko may sakit sa puso kakasuhan din daw nila. Di na makatulog tatay ko.

Jadis

Jadis
Reclusion Perpetua

1. It's a scare tactic.

2. Next time this person calls, ask for his Roll of Attorneys Number and what year he passed the bar.

3. According to the Supreme Court Website, these are the only Macapagals who are members of the Integrated Bar of the Philippines:

MACAPAGAL, AIDA E.; San Ildefonso, Bulacan; May 27, 1988; Roll No. 35164.
MACAPAGAL, ALICIA G.; Bulacan, Bulacan; January 24, 1955; Roll No. 8890.
MACAPAGAL, ARNEL D.; San Fernando, Pampanga; April 11, 1990; Roll No. 36647.
MACAPAGAL, CELIA N.; Balagtas, Bulacan; June 20, 1974; Roll No. 25271.
MACAPAGAL, CIRIACO A.; Sam Miguel, Bulacan; February 07, 1963; Roll No. 17943.
MACAPAGAL, DEMETRIO; Lubao, Pampanga; February 23, 1962; Roll No. 17132.
MACAPAGAL, DIOSDADO; December 21, 1936.
MACAPAGAL, DIOSDADO V.; Balagtas, Bulacan; April 19, 1978; Roll No. 27993.
MACAPAGAL, GREGORIO D.; San Simon, Pangasinan; January 24, 1955; Roll No. 8793.
MACAPAGAL, JORGE G.; Bacolor, Pampanga; July 26, 1948; Roll No. 868.
MACAPAGAL, MAMERTO N.; Cabanatuan, Nueva Ecija; November 04, 1946; Roll No. 112.
MACAPAGAL, MARCELA T.; Sucat, Apalit, Pampanga; January 25, 1961; Roll No. 15074.
MACAPAGAL, PABLO G.; Candaba, Pampanga; February 23, 1962; Roll No. 17065.
MACAPAGAL, RECTOR E.; San Ildefonso, Bulacan; June 03, 1986; Roll No. 33931.
MACAPAGAL, ROMNIEL L.; Manila; April 12, 1996; Roll No. 40946.
MACAPAGAL, SANTIAGO; December 27, 1937.
MACAPAGAL, TEDDY C.; Olongapo City; March 11, 1971; Roll No. 23417.
MACAPAGAL, VICENTE T.; Apalit, Pampanga; March 21, 1966; Roll No. 20906.
MACAPAGAL-DEBAUTISTA, LOURDES; Lubao, Pampanga; March 28, 1949; Roll No. 1043.
MACAPAGAL-GABRIEL, CHARITO D.; Lubao, Pampanga; May 09, 1991; Roll No. 37092.

And I don't see a Neil here, unless the website is not updated.

4. Say that nobody could be imprisoned based on debt (but of course, this does not mean that your debt goes away, YOU STILL HAVE TO MAKE ARRANGEMENTS TO PAY FOR YOUR DEBT).

Cyrine


Arresto Menor

Thanks po! Tapos tinanong ko po address at kinausap ko anong kasalanan ko, sinabi po sa akin Wala akong panahon mag explain sayo iha. Hindi na kita ieentertain pa! Im in the middle of writing the US embassy ng maideport ka! Tapos nanginginig na po sa takot pamilya ko dun sa Pilipinas po.

Gabriel1987


Arresto Menor

Good day po,

iShare ko lang po and need ko po ng advises nyo. Sana matulungan nyo po ako thanks po.

Kaninang hapon 2:25PM nakarecieve ako ng txt galing sa FISCAL OFFICE of MAKATI CITY PROSECUTORS OFFICE at sinampahan daw po ako ni Atty, Niel Macapagal,

Ganito po ang message sakin. (retype ko lang)

Attention! Mr Gabriel (fullname ko)

Magandang araw, ito po ay sa FISCAL OFFICE ng MAKATI CITY PROSECUTORS OFFICE, kayo po ay akin iniimpormahan patungkol sa nagsampa ng kaso sa inyo. Sinampahan kayo ng kaso ni Atty. NIEL MACAPAGAL ng mga sumusunod.

Art.315
Art.318
RA8484
SMALL CLAIMS LAW

Kayo po ay napadalhan na nang summon at subpoena ngunit ito'y inyong binalewala. Sa ngayon kami po ay humihingi ng tulong sa NCRPO (NATIONAL CAPITAL REGION POLICE OFFICE) para ihatid ang inyong bench warrant.

Maari po kayong tumawag para sa inyong katanungan 09108552xxx
Lunes hanggang sabado 8am to 5pm.

Salamat,
Gina Cruz

yan po ung narecieve ko'ng txt, totoo pong may bills pa ako sa HomeCredit na 2 or 3 months at hindi ko tinatanggi yun, pro nakikipagusap naman ako sa mga unprofessional nilang mga collectors agents, kasi halos buong araw nila ako kinukulit halos mayat maya kahit sinagot ko na paulit ulit, kahit hindi ko pa due date. Wala na po akong trabaho at ang last payment ko sa kanila ay nung January 24, 2017, tapos nun wala na hindi ko na nasundan dahil wala na akong maibayad, halos sunod sunod ung naging gastusin ko at hindi ko magawang bayaran na si HomeCredit.

Kanina after ko marecieve ung txt agad akong tumawag sa kanila sa binigay na number, una ko'ng nakausap si ms. Gina Cruz, tapos ang sabi tawagan ko daw si atty. niel para makipagusap. okey binigay nya sakin ung contact number na 09561443xxx.

Then tinawagan ko nung una hindi sya sumasagot kaya nagtxt ako nagpakilala ako at maayos ang pagcreate ko ng massage, dahil alam kong atty. sya at alam ko na ako ang may atraso.

Tapos tumawag sakin si Atty. Niel Macapagal at kinausap ko, sabi ko sir ako po si Gab, tapos sabi nya Atty:(ay oo oo narecieve mo bali sinampahan kita ng kaso). tapos sinasabi nya maya maya ano babayaran mo ba o hindi? sagot ko; opo babayaran ko, sabay sabi nya  (oh cge  bayaran mo na ngayn ung 10,000php ) sabi ko naman ay atty. Niel wala po akong ganyan kalaking pera dito wala pa po akong trabaho nagaapply naman ako, pro wala po talaga akong ibabayad sa inyo ngayon, tapos sabi nya (eh bakit ka pa nagtxt bakit at tumawag hindi ka naman pala magbabayad) kailan ka magbabayad? sabi ko, atty. bigyan nyo ako ng panahon sabi nya atty.(kailangan magbayad ka para mahugot ang papel mo kung hindi bahala ka na, sa lunes bayaran mo na)!

sa totoo po sobrang angas nya na galit na galit sya sa phone habang kausap nya ako at sobrang nakaka-degrade na parang bata lang ako na binubully. sobrang nanliit ako sa sarili ko halos hindi ko matanggap na ganun yung sasabihin nya sakin. sa HOMECREDIT lang ako may utang at nagkataon lang na nawalan ako ng trabaho at hirap na hirap ako magapply sa totoo lang po 30 anyos  na ako pro eto ung unang beses ko idown ng atty. Niel Macapagal na yan. halos madurog ako kanina habang kausap ko ang girlfriend ko sa video chat naiiyak na ako kaninang hapon at hindi na ako nakakain at sobrang iniisip ko saan ako kukuha ng ibabayad ko sa kanya. 2:38am na pro iniisip ko padin to. Hindi ko magawang magrelax dahil dito. Sobra talagang iniisip ko to dahil sa babayaran ko at bukod pa ata ung utang ko sa HomeCredit sa 10,000php.

Sana matulungan nyo ako, bigyan nyo ako ng advises, wala po talaga akong maibayad sa kanila at sa HomeCredit, Natatakot ako makulong at lalong hindi na ako makakapagtrabaho lalo kung magkakaroon ako ng kaso. Please po


Please sana matulungan ninyo ako.


Salamat po.
Gabriel,

Jadis

Jadis
Reclusion Perpetua

I really don't understand why so many people fall for this stupid ridiculous modus.

Ask this person what his roll of attorney's number is and Google it to see if it is true.

Gabriel1987


Arresto Menor

Good day po atty.,

Salamat po sa mabilis na tugon.

Kanina tinatry ko sya tawagan tapos nagtxt na lang ako tinatanong ko kung anu ung roll of attorney's number nya, hindi po sya sumasagot, eto po ang number nya, 09561443837 Atty. Niel Macapagal.

Ang nakausap ko po ay ung taga Fiscal Office ng Makati po, sya si miss Gina Cruz. ang sabi sakin instead na magbayad ako ng 10k 7k na lang daw pro maganda bayaran ko na daw sila ngayon at para magandang hindi na aabot sa june 29, 2017, gusto ko na po magduda pero wala talaga akong choice dahil alam kong ako ang may atraso, pro sa totoo po sobrang nahihirapan ako mangutang, at ung kinuha kung tv sa home credit ay benibenta ko na ngyon para may pangbayad na sa kanila.

halos hindi na talaga ako nakatulog kagabi kakaisip ng paraan. Until now wala padin silang sagot sa akin at kahit ung homecredit na email ko hindi nila sinasagot.

at ngayon ko lang din nalaman na 15k pala ang kabuuhan na babayaran ko sa kanila may discount na daw kaya 10k na lang tapos ngyn 7k na lang daw ang bayaran ko.

oh God, hindi ko talaga papano ako gagawa ng paraan pro sa katapusan may mahihiraman ako pro hindi buo, at ang sabi nila hindi daw ako makakakuha ng NBI ngyon dahil may pending case na daw ako unless mabayaran ko na sila now para maclose na daw ung case ko.

Atty. Domogan, maraming salamat po sa concern ninyo, simpleng tao at pamilya lang meron po ako. kapag my update isshare ko po dito ulit...

Thank you and God bless you always atty.,

Gabriel,



Last edited by Gabriel1987 on Fri Jun 23, 2017 2:20 pm; edited 1 time in total (Reason for editing : hide name)

Jadis

Jadis
Reclusion Perpetua

Hindi humihingi ng pera ang sinumang empleyado ng opisina ng piskal at wala silang karapatan na bigyan ng tawad ang utang ng isang tao sa ibang tao dahil hindi yan ang trabaho nila na binabayaran ng taong bayan.

Matagal nang modus ng mga kumpanya yan para makakolekta. Kung gusto mong mapanatag, pumunta ka mismo sa opisina ng piskal at hanapin mo kung may mga tao talagang ganyan ang pangalan na nagtratrabaho doon.

Sa susunod kasi magbayad ka ng maayos nang hindi ka binubulabog ng ganito.

At huwag ka sa personal na cellphone magtanong. Pumunta ka mismo sa opisina ng piskal. Kung sila talaga ang gumagawa ng ganyan, sabihin mo na magsusumbong ka kay Kal. Aguirre dahil hindi yan ang trabaho ng piskalya.



Last edited by Jadis on Fri Jun 23, 2017 2:02 pm; edited 1 time in total

Jadis

Jadis
Reclusion Perpetua

I'd appreciate it if you edit out my name from your post. Thanks. Ta.

robelleejo


Arresto Menor


Hello po, hingi po ako ng advise. May nkuha po akong cellphone sa home credit last year. Unfortunately ndi po ako nkpgbayad dahil nawalan po ako ng work. This year n lng ulet po ako nkpag work. My nareceive ako n text message n may bench warrant dw po ako kc ndj dw po ako nagreresponse sa mga summoned and subpoena letter n pinadala nila. Wala po akong narereceive n kahit anong letter from them. Tinawagan ko po ung number nung nklagay n fiscal number. Tapos nirefer po ako sa attorney na nagfile dw po ng case. Pinagbabayad po ako ng 20k within 24 hours. Sinubukan ko po makiusap kung pde ko sya hulugan kaso ang reply lng po nya saken is hintayin ko n lng dw n damputin ako ng police. Kung hindi ko dn nmn dw mbabayaran ung 20k, inaaksaya ko lng dw ang oras nyo. Pa advise nmn po. San po ako pde pumunta pra ma ayos ko po eto. Slamat po sa mgrerrspond.

Same thing is happening to me now. Same person din. Anong ginawa nyo? Nkikiusap dn ako sa knya. Gusto nya byran ng buo. 😢

jbdlacrz18


Arresto Menor

it's a scare tactic only.

Same thing happened to me, my tumawag din saken number 09561443837 and ang pakilala naman nya is Atty. Elmer De Lara Resurreccion pero yung post ni Gabriel1987 same number pero Atty. Niel Macapagal naman. Personal number daw ni elmer yon pero bakit naging niel macapagal sa inyo. hahahhaha! nakakatawa lang mga ginagawa nila.

gail


Arresto Menor

Hi Good morning po!

Pa adviced lang po kasi minssan d na ko nakakatulog sa problem ko may nagtext din kasi sakin Ms. Rose Antonio from Prosecutor daw po. alam ko po may pending payment ako sa credit card kasi po nagkaroon po ng financial and family problem.. may pending compliant daw po ako na estafa eh na 20k po ung balance na babayaran ko. ang ippublish daw po sa PJ PUblication.. may tumawatawag din sa mother ko na magdadala ng warrant of arrest.. pati po mga anak ko natatakot din po. please help naman po..kahit papano naman po ng sesend ako ng paymnent.

Thanks po

jbdlacrz18


Arresto Menor

@gail:

Wag ka pong maniwala dyan. It's a scare tactic only, collector's agency strategy lang po yan. How do i know, been there din po. Napaka'kulit ng mga yan nandyan yung tatakutin ka, my warrant ka, pupunta sa office or bahay niyo, pupunta sa barangay. Mga sira ulo po yang mga yan, tatawag sila at magpapakilala na sila ay judge, pulis or whatsoever ang sasabihin tawagan mo si ganito, ganyan tapos kapag tumawag ka naman bibigyan ka nila ng amount na babayaran na ofcourse hindi naman kayang bayaran. If they call you again, sabihin mo po na sa korte na lang po kayo magharap para legal po lahat at hindi sa phone call lang. Magugulat ka po sa isasagot nila.

arnoldventura


Reclusion Perpetua

If by chance madetermine mo kung sino ba talaga yang nananakot sayo para lang makasingil, pwedeng ikaw pa ang may claim for damages mula sa kanya. Sa paniningil, pwede naman ang mangpressure, pero dapat sa lehitimong paraan lamang. Basahin mo to, sana lang makatulong sayo. https://www.alburovillanueva.com/proven-ways-debt-collection

potpot28


Arresto Menor

Hi, this is the first time i tried to join in a group like Legal Advices.
1st time ko po kumuha sa Aeon Credit ng Appliances. Then payable for 9months last 2016.
Nakuha ko po ang aappliances September 2016. And my due date is JUNE 2017. Nakabayad po ako starts ng October 2016 hanggang May 2017 (8months - P2,558.00 monthly).
Then by June hindi ko na po nabayaran yung last payment ko na P2,558.00. Kaya nakipag coordinate ako kasi nagkapublema sa trabaho ko, nadelay ang sweldo ko nag start po kasi mag ka problema ang company way back June onwards, then October until Dec nawala na siya. Nakiusap ako kasi nagtetext sa akin na ang utang ko na daw is P8k mahigit, nagulat ako kaya sabi ko baka pwedeng yung monthly fee ko nlng bayaran ko gagawan ko paraan dahil wala ako pang sweldo nun nagka publema yun pinapasukan ko which is naintindihan ko naman bakit hindi po makapag pasweldo ng buo then installment ang pay nmin. Na hindi naman po keri pambayad. Sept.30 dapat daw makapag bayad na ako, hindi na daw P8k mahigit dahil nakikipag coordinate naman daw kasi ako P3,500 nlng daw. SO sabi ko sige let me try to do something, then hindi ko nagawan ng paraan yung P3,500 sabi ko kung ayos lng P2,500 nlng sabi pwede daw ibayad ko muna at un kulang to follow nlng. So sabi ko sige po pasensya na, kaso unexpectedly hindi sinasadya that time na dapat magbabayad ako sa knila nag ka emergency na nasugod sa ospital ang tito ko, since wala din naman pera mga magulang ko wala pamasahe pera ang papa ko binigyan ko muna siya na magagamit niyang pera para mapuntahan ang kapatid niya which is delikado na ang lagay na nauwi na sa pagkamatay. Ngayon po nagtext ang Aeon sa akin na another charge na naman daw ako, dahil sa magulo na isip ko sabi ko hindi na nga po ako makabayad sainyo dagdag pa po kayo ng dagdag ng babayaran ko wala na po akong work pasensya na po kako. That was the last convo that we have. Then suddenly my mga messages na dumadating sa akin na ako daw ay dedemanda, na ako daw ay kelangan makipag usap sa ATTY. blah blah. Nagtagal may nagpadala na naman sa akin ng message from LegalDept na may balance daw ako na need bayaran P8k mahigit this january lng. After nun may tumawag sakin Pulis from TAGUIG 0927 336 0859 Eduardo Corpuz ang name may kaso daw ako at dadamputin na daw ako at may warrant of arrest nadaw kasi ako. NAgtakbo daw ako ng PERA! Which is hindi naman totoo. Wala akong inutang na pera at wala akong tinakbo. Makipag usap daw ako kay ATTY. NEIL MACAPAGAL may binigay na number 0945 490 6428. Nung tinawagan namin, ang ingay sa location niya at pagtawag namin san daw ba nmin nakuha number niya, at ng sinabi namin sa pulis sinong lulis daw yun. Na parang hindi naman kilala yun pulis na yun. Eto na, ibang atty ang kumausap hndi si NEIL, medyo hindi ko na maalala ang name kasi Matulin magsalita at maingay sa background niya puro nasasalita ang dinig ko lang Atty. Erwin ? or Elmer ?. At sinabi nga na may kaso daw ako ESTAFA 4 na kaso daw ang sinampa sa akin. Nagulat ako halagang P2,558 na kulang at utang ko makukulong ako at nakasuhan daw ng ESTAFA! dadamputin nadaw ako ng Pulis kapag hindi ko nasettle that day, hiningan ako ng P15k mahigit sabi ko wala nga po akong trabaho san ako kukuha ng 15k, sabay sabi wala na nga jan ang ATTY. FEES ko, charges etc. Tulong ko na sayo at konsiderasyon ko na sayo sige P10k nlang, nging P8k hanggang sa naging P5k nalang ang hingi sa akin.
Alam ko naman po may utang akong dapat bayaran pero hndi naman po sana sa ganitong paraan dapat maningil or whatever. Hindi kasi nakakatulong. Nakakapag paisip pa po. HAnggang ngayon po may mga numbers na madami ang tumatawag sa akin. Walang tigil. Tulong naman po, Naistress po kasi ako sa mga sinasabi nila at kapag nakiita kong tumatawag ay number lang. 1st time po ngyare sa akin itoh Salamat po sa advice.
Ngayon may natanggap po akong message na ako daw po ay ipapublished na sa Newspaper ng PJ Publishing ipost daw dun name address ko at yung picture ko. Makipag coordinate daw po ako kay June Macasaet.

salamat po sa magbabasa at mag rereply sa post ko. Thank you po in advance.

kbatobalani


Arresto Menor

Hi good day, meron po nagtxt sa husband ko na huhulihin na daw po sya at humanda.. so parang lumalabas may pananakot sa txt nila.. nun tinawagan ko po yun number na nagtxt sa husband ko, Chief Superintendent daw po sya.. at nag file daw ng case sakin si Atty. Neil Macapagal?! 2case daw po.. may hiniram po kasi ako sa Dr. Cash na pera 1000 at 1100 lang ang dapat kong bayaran, ngayon gusto nila pabayaran sakin agad agad ng 6000 ano po dapat kong gawin? kasi panay tawag po yun Chief Superintendent daw ng taguig?

potpot28


Arresto Menor

[quote="kbatobalani"]hi, ganyan din po sakin taga taguig din daw po siya anong name nun pulis?

Trisha Abedejos


Arresto Menor

I have exactly the same scenario with this Atty. Neil MACAPAGAL!
Last Feb 1, 2018 I received a text informing me this "Otw Na po ang mga tauhan ko SA inyong address. Sumama nalang po kayo ng maayos upang maiwasan ang komosyon". As soon as I received this msg I immediately go home coz I'm scared kasi baka pag may dumating SA bahay ay atakihin SA puso ang father ko. I immediately call the number and a certain SPO2 CHRISTIAN VALDEZ talked to me informing me Na may 3 non appearance daw aq SA Metropolitan Trial Court. Sabi ko wala akong narereciv Na summon or subpoena. Then he gave me the number of the lawyer handling the case daw. I asked the police kung anong lending company ang sabi wala daw specific ang nakalagay LNG DW ay international lending company. Sabi nya tawagan ko daw c Atty.Neil MACAPAGAL at magrequest ako ng affidavit of resistance. At yun nga po ginawa ko. Babae po ang makasagot at she transferred me to the line of that Atty.MACAPAGAL. nang makausap ko si atty ang sabi SA akin I need to pay 117k (excluding PA daw dun ung attys fee) by Tom. Sabi ko wala po akong ganoong Pera. I admit Na I have debts. I ask Atty saang lending company po B Ito. Then he returned the question saan B ako may utang. Then I say I have a salary loan at home credit and doctor cash (now moola lending). Sabi nya SA moola daw. At first naniniwala ako kasi I have constant communication with home credit kya I assume it's on doctor cash. Sabi ko I can't produce that very huge amount in just overnight. My principal loan for doctor cash is just 10k at aminado ako Na natagalan bago ako nakapagpartial payment. Kaya Atty advised me to call him early morning of Friday. Sabi nya ihohold n muna nya ung kaso. After that conversation talagang Di kona alm gagawin ko kasi ayokong damputin nlng ng pulis SA bagay kasi nagaalala din ako SA kalagayan ng father ko. Kaya I tried everything PRA makaraise sabi ni Atty kahit 50k muna para maissuehan nya ako ng affidavit of resistance. To be able to raise the amount my father and I decided Na isanla bahay namin.
Friday morning tinawagan ko si Atty.MACAPAGAL sabi ko Sunday ko makajausap ung pagsasanlaan ng bahay namin. In short he gave me until Tom Wednesday to pay 50k. Kanina while I'm at work tumawag ung babaeng assistant ni Atty pinaalala ung usapan daw nmin ni Atty. Again he transferred me SA line ni Atty kasi sabi ko n mlbong masettle ung sanla by Wed. Sabi ni Atty e Di iseset natin by Thursday? Sabi ko baka po pwedeng Friday para sure Na. Nagalit c Atty sabi nya SA akin "Di Na ako magseset ng another day. Pag Di ka PA makabayad ng 50k ng Thursday morning itutuloy n nya ung kaso." Sabi ko ginagawan ko nmn po ng paraan konting panahon LNG hinihingi ko. Pinapalitan nya ako sabi nya kung talagang gusto Kong isettle dapat matagal ko ng ginawa. Sabi ko Di ko nmn alam Na may pending 3 non appearance Na ako SA MTC. Sabi nya gusto mo iemail nya SA akin at hinihingi nya email ad ko. SA sobrang pressured at HB n rin ako at tarantanta sabi ko nlng "sige ho kayo bahala".
Habang pauwi ako sukdulan Na ang pagkatuliro ko. To the point n hbng ngllkad ako pauwi parang gusto ko ng magpasagasa SA truck para matapos Na lht ng Ito kasi tlgng lbg SA loob ko n isanla ang bahay namin.
Pagdating SA bhy Di Na ako makausap ng father ko SA sobrang tuliro Na ako.
Nang medyo mahimasnasan ako naisipan Kong by Thurs pag tlgang Di ko P makuha O Di mgpush through pagsanlaan SA bhy nmin didiretso nlng ako SA NCRPO CAMP CRAME (Ito kasi ung sinabi nung spo2 VALDEZ n nauna Kong nakausap) para kusang loob Na isuko ang sarili ko. Ayoko kasi maeskandalo pamilya ko.
Di ko maintindihan kung ano ang nagtulak SA akin n hnpin s Google ang pngln ni Atty MACAPAGAL (last Friday I also search spo2 Christian VALDEZ SA Google pro Di ko nakita) at laking gulat ko ngayon ng makita ko ang site ng pinoylawyer.org. at ng nabasa ko ung mga post para akong binuhusan ng tubig kasi HALOS PAREHONG PAREHO ANG NANGYARI SA AKIN SA MGA NAKAPOST DITO.
honestly it a way medyo nakahinga ako ng maluwag kasi parang nabuhayan ako ng loob.
Grabeng trauma ang naranasan ko. Ilang gabi Na akong Di mktulog dahil dito.
Kaya bukas Na BUKAS I will directly contact doctor cash / moola lending to know if legit ba ung Kay Atty.MACAPAGAL.
Guys with the same situation magtulungan tayo. I know alm nyo at naiintindihan nyo what I am going through ngayon.

badge999


Arresto Menor

hi po pde nio po aq tulungan kz ang asawa q kumuha ng tv sa aeon ngaun xmpre nagkaroon ng aberya msg sila ng kung ano ano ngaun tumawag ang isang police sa bahay at papunta na daw sila samin sa taguig hinahanap xa kasi apat daw ang kaso nya may stafa pa nga tinatanong q bkt may stafa naghuhulog naman kmi kung bayaran ko po yung kulang pa namin mangungulit pa po b ang aeon? sana matulungan nyo po kmi bgo pa kmi maloko salamat po

Sponsored content



Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum