Meron lang po kaming katanungan. Meron po kaming bibilihin na lupa, ito po eh 2500 sqm. Ito po ay parte ng 10,000sqm na pamanang lupa. Meron po itong mother title, nasukat na po ito at may muhon na. Ito po ay hati hati na sa 4 na magkakapatid pero walang titulo. Ang titulo po ay nakapangalan pa yumaong mga magulang. Ang sistema po eh 3 dun sa 4 na magkakapatid ay patay na rin po pala. Isa na lang po ang nabubuhay at ang nagbbenta ng lupa ay ang apo.
Ang isang nabubuhay na anak ay ipinamana na rin ang kanyang parte sa kanyang mga anak. Ngaun po ang nagbebenta po sa amin ng 2500 sqm ay apo na po ng nakapangalan sa titulo. Nagkasundo sundo ang 8 mga apo (kasama na po ang anak ng nagiisang anak na buhay) na pumirma sa deed of sale. Lahat po sila ay may ID na naka-attach sa deed of sale. Babayaran din po nila ang property tax. At may mga documento naman po na kalakip ang deed of sale.
Ano ano po ba ang documents na kelangan nila ipresent? Nagbigay na din po sila ng pambayad ng tax sa BIR. Ang tanong ko po pano pag nagpaprocess po kami ng titutlo, ang tituto po ba ng lupa ay diretcho na po ang lipat sa pangalan namin? Wala po ba kayong nakikitang aberya sa transaction na ito?
Maraming salamat po.