Free Legal Advice Philippines
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

employee needs advice

4 posters

Go down  Message [Page 1 of 1]

1employee needs advice Empty employee needs advice Sat Sep 16, 2017 4:48 pm

rhezza


Arresto Menor

magandang hapon po atty., yong asawa ko po ay nagtrabaho noon sa isang distributor ng load. sila po ay umaangkat ng sim cards,loadat cellphones.Babayaran po nila yon pagkatapos maibenta. pero ang nangyari ay hindi lahat nabayaran nila dahil nagagamit nila yong pera dahil kulang yong sahod nila.Kasi hindi rin maganda yong benepisyo ng company. Wala sa minimum wage yong sahod at yong motor ay sarili nila at hindi rin libre ang gasolina nito. Ngayon po nakagamit nga sila ng pera. sa asaw ko po ay halos 208,000.00 pesos sa loob ng 10 taon. nitong taon lang po ay inalis sila sa trabaho at pinababayaran yong nagamit nila. pinakasuhan sila ng qualified theft ng company...tama po ba yong kaso?

2employee needs advice Empty employee needs advice Sat Sep 16, 2017 4:58 pm

rhezza


Arresto Menor

tatanong ko lang po kong tama ba yong ginagawa ng manager nila sa kanila.
nung napaalis po sila sa trabaho pinatawag sila ng manager para humarap sa kaniya kasi daw nagfile na sya ng kaso at baka daw ay hindi nya ituloy kung ma settle nila ng sila lang...nung ngpunta na yong asawa ko sa opisina ipinakita lng nya kung magkano yung total na utang nya...ngayon po sabi nman nya ay gumawa sila ng counter affidavit diba kapag nkatanggap lng kami ng subpoena tsaka pa counter affidavit?. kasunod naman nito ay sinabihan na naman sila lng manager na humarap sa atty. nila para doon gumawa ng settlement on writing para hindi ndaw aabot sa husgado. humarap na nman doon yong asawa ko at mga ka trabaho niya. tapos naging ok na..ngunit nitong linggong ito na naman po hinuli yong kasamahan nya at nasa kulungan ngayon..ito ang kinatatakutan ng asawa ko ngayon at pati ako rin...pwede rin ba mangyari sa asawa ko na makulong ganung hinaharap nman nila kung ano ang sinasabi ng manager nila?

3employee needs advice Empty employee needs advice Sat Sep 16, 2017 5:10 pm

rhezza


Arresto Menor

kahapon po pinatawag na naman sila ng manager nila sa kapitan para magharap na naman pinagawa na naman sila ng agreement uli kung paano daw ang bayaran ng utang.humarap na naman yong asawa ko pero sa pag-uusap nila hindi umabot yong kapitan.sila-sila lng ang nag-usap. takot pa rin yong asawa ko kasi hindi talaga claro yong status nila baka hulihin lng sila bigla. ngayon na naman nagtext yong manager na kong may pang down payment sya.tapos sabi niya kung magkano lang kaya niya kasi nga wala na syang trabaho..pwede ba silang obligahin kung magkano at paano nila bayaran yon?

4employee needs advice Empty employee needs advice Sat Sep 16, 2017 5:14 pm

rhezza


Arresto Menor

ano po ang pwede naming gawin sa problemang ito?
ano po talaga ang tamang kaso na pwedeng I file nila sa asawa ko?
paano po namin malabanan yong kaso ganung wala talaga kaming sapat na pera kung isang bayaran lang I settle yong nagamit na pera?

5employee needs advice Empty Re: employee needs advice Sun Sep 17, 2017 9:38 pm

rhezza


Arresto Menor

please I need your advice

6employee needs advice Empty Re: employee needs advice Mon Sep 18, 2017 7:21 am

mikos23

mikos23
Reclusion Perpetua

Rhezza,

I tanong mo ito sa ibang thread, hindi na ito pang labor and employment convern

7employee needs advice Empty Re: employee needs advice Mon Sep 18, 2017 12:35 pm

xtianjames


Reclusion Perpetua

oo i believe this constitutes to qualified theft since hindi justified reason na porke kulang sahod nila ay kukunin nila yung pera ng walang basbas ni company. kung meron silang issue sa pasahod at benefits dapat nag resign sila or nag file ng complaint.

8employee needs advice Empty Re: employee needs advice Mon Sep 18, 2017 5:30 pm

rhezza


Arresto Menor

pero yon pong remmittance nila ai hindi po eksakto ang recording...I mean hindi po sa name ng company minsan nkadeposit yong mga bayad nila...minsan sa name ng manager

9employee needs advice Empty Re: employee needs advice Mon Sep 18, 2017 5:32 pm

rhezza


Arresto Menor

ngayon din po na sabi ay ngfile na ng kaso yong manager...bakit panay pa rin yong text niya sa mga empleyado nya na kailangan dw magdown payment na cla para ma validate dw atty. nila....ano po ibig sabihin nya don sa validate?

10employee needs advice Empty Re: employee needs advice Mon Sep 18, 2017 7:46 pm

xtianjames


Reclusion Perpetua

kung kakasuhan na sila, wag sila magbayad ng kahit ano at pwede ito magamit as proof na pag amin na guilty yung nireklamo.

pwede nyo inform yung manager na kung nagkaso na talaga sya, hahayaan nyo na yung korte ang magdecide ng kaso. usually naman bago tumuloy ang kaso, nagbibigay ang korte ng chance na magsettle kayo out of court. dun na lang kayo makipag negotiate sa bayad na hihingin nila.

11employee needs advice Empty Re: employee needs advice Thu Sep 21, 2017 12:30 am

M@rLene


Arresto Menor

good am po... hingi po ako ng advice kung ano dapat kung gawin sa mga taong nambubully sa akin, isang buong team members sa trabaho ang nabully sa akin medyo marami silang members.

bale po naginform na po ako sa hr namin a month ago pero wala pa rin nangyayari....

ano pong dapat kung gawin?

nakakaapekto na kasi siya sa akin emotionally...TIA

12employee needs advice Empty Re: employee needs advice Thu Sep 21, 2017 7:25 am

mikos23

mikos23
Reclusion Perpetua

file a documented complain to the HR on their harassment. state time and date and what happened. if HR still does not take action, take your complain letter to higher management

13employee needs advice Empty Re: employee needs advice Mon Sep 25, 2017 7:42 am

M@rLene


Arresto Menor

hi @miko23 thanks to your advice, nakapagfile na po ako ng formal complaint sa hr and since today lang po ako nagsend antay ko po next action nila. Pero last friday nakipagusap na ako sa kanila tungkol sa mga nangyari and nasabi ko naman po lahat from the day na naginform ako sa kanila last sept 3, iyon nga lang ang advice sa akin ng hr file a formal complain then saka daw kakausapin iyong involved sa ngayon ililipat daw ako ng hr ng pwesto para maiwasan na mga pasaring. Pero ang tanong ko lang po what if after ng formal complaint ko kinausap na nila iyong mga taong involved and nailipat na rin po ako ng pwesro then wala ng next action doon na po nagtapos. Pero iyong issue ng bullying is hindi naman naresolved talaga, ano pong next na dapat kong gawin? kasi may history na po na mga empleyado na na nagrereport sa company namin at same sa case ko at pang 3 na po ako sa nagreport at base sa mga nauna nagreport din kinausap after nun wala na pero mga psaring andun pa rin hindi man lang naaapply kung ano ang nasa code of conduct.

14employee needs advice Empty Re: employee needs advice Mon Sep 25, 2017 12:20 pm

xtianjames


Reclusion Perpetua

antayin mo muna kung ano magiging resolution nila sa complaint mo. kung magiging diligent ka sa paghabol na may mangyari sa complaint mo at may basehan ka naman ay malabong balewalain ka ng HR since sila naman ang magiging liable kung magreklamo ka at mapapatunayan mo na may pagkukulang sila.

my advise is kung patuloy padin ang pangbubully sayo, just collect and collect more evidences against them.

Sponsored content



Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum