Hi po, nung 17 yrs old ako nadamay po ako sa gulo, nagka gulo sa loob ng isang mall, nag pag tripan yung grupo namin ay may nag tear gas, nung nag kagulo na tinapon sa kin yung tear gas at kasamaang palad ako lang ang nahuli, yung grupo ng nag trip samin walang nahuli, tanging ako lang po, kasama ang palad may nag reklamo na customer ng Mall kc nakalanghap sila ng tear gas at ako ang sinisisi. Nadala po ako sa Prosinto at nakulong ng less than 24 hrs, pero nakalaya ako kse minor pa ako, January 2000 pa po nang yari yun, ngayon may hit ako sa NBI clearance, samantalang naka 3 kuha nako ng nbi clearance before at nakapag abroad narin ako, nag tataka ako kung bakit ngayon lang ako nagka hit, sabi ng taga NBI nag assist sakin kaylangan ko daw pumunta ng Quezon city MTC branch 00, nag tingin ako sa Internet ng Directory ng Quezon city MTC wla namang ganung Branch.
Indi na ako makatulog ng maayos, yung mga nakalipas na taon naging mabuti akung mamayan, nag babayad ng tax at sumusunod sa batas at wala akung piniperwisyo.
Anu po ang mapapayo niyo?
Natatakot ako baka perahan lang ako, wala akung pang bayad, mahirap lang ako.
Mag kanu po yung consultation sa isang abugado or mag kanu po yung magagastos ko kung kukuha ako ng Abugado, "lord help me"
May tutulong po ba sakin sa PAO?
If ever pwede ba akung mag counter ng case sa nagreklamo sakin, kc indi naman ako nag spray sa kanila nadamay lang ako, at minor pako nun.