Delayed po kasi yung bayad ng Water and Electricity Bills namin but not more than 10 days. Then suddenly, gusto na kaming paalisin ng Landlord namin kasi irresponsable daw po kaming tenants. Na-notify naman po namin siya na di pa kami nakapag deposit sa bank account niya. Pero nung day na tumawag po siya, nakapagbayad na kami. Then at midnight, pinutol niya po yung linya namin ng tubig kasi nagkaroon po ng konting discussion over the phone dahil po galit na galit siya.
Also, May signed contract po kami for 1 year. With advance deposits and all. Notarized din po. Nasa 4th month pa lang kami. We're thinking na lipat na lang ng ibang matitirhan para hindi na rin kami maabala. Pwede rin po ba naming hingin sa kanya na ibigay sa amin yung advance deposit namin kahit wala pang 1 year?
Thank you in advance! Hoping for your immediate response po mga sir/ma'am.