Good day!
I am currently pregnant po for 4mos. Hindi po ako kasal sa ama ng dinadala ko. Hindi na dn po kami in good terms. Sinasabi nya po saken na susuportahan nya tong bata at hnd tatakbuhan.
May nabasa po ako sa website ng NSO about legitimacy/illegitimacy ng bata. Kung tama po ang pagkakaintindi ko, dahil hindi naman po kami kasal eh sa aken pong apelyido ang gagamitin ng magiging anak namen. Hindi po ba talaga pwedeng gamitin ng bata ang apelyido ng kanyang ama kahit po hindi kami kasal o walang permiso galing sa kanya?
Ang worry ko po, kpag hnd ko pinangalan sa kanya eh hindi na din nya panagutan ang anak namen. May habol pa po ba ako sa kanya kung sakali? May karapatan po ba akong magdemand ng suporta sa kanya??
Sana po matulungan nyo ako. Maraming salamat po.
"Lai"