Free Legal Advice Philippines
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

Inheritance from Grandmother that should have been transferred to my father but was transferred to my brother without my father's consent

Go down  Message [Page 1 of 1]

aoisasurai1527


Arresto Menor

Magandang araw po. Ako po si Ana, residente ng Tiaong Quezon. Magbabakasakali lang po sana ako magtanong at manghingi ng tulong dahil wala akong alam sa batas at karapatan namin at wala akong alam na pwede kaming tulungan sa problema namin.

May lupa po ang daddy ko na pamana ng lolo at lola ko pero hindi po agad napatituluhan. Hinati hati na ito sa kanilang magkakapatid noong buhay pa si lolo at lola. Walang iniwan na last Will and Testament si Lolo pero inayos nya na lahat ng mga anak nya ay may matatanggap na mana, Ngunit nang mamatay ang lola namin , niclaim ng aking nakakatandang kapatid na pinamana daw sa kanya iyon ni lola at hindi sa aming ama. Sa pagkakaalam ko po ay bawal po iyon ngunit pinirmahan daw po ito ng Lola namin. Hindi pumirma ng waiver si Daddy dahil gusto ng panganay kong kapatid na sa kanya ipangalan ang lupa at hindi sa Daddy namin. Nang mamatay ang lola ko, dapat ay papatitulohan na ng daddy ko pero nalaman nya na pinagawan ng papel ng kapatid ko na panganay . Niclaim nya na direct inheritance daw po ito sa lola namin at binigay na ito sa kanya. Sa pagkakaalam po namin nina Daddy ay walang last si Lola at hindi ito pumapayag na ipangalan sa kanya ang lupa dahil buhay pa ang Daddy namin.

Binalak ni Daddy na sampahan ng kaso si kuya noon dahil sa ginawa niya pero hindi tinuloy at pinilit na ayusin sa ibang paraan dahil kahit anu pa man ay anak pa rin siya. Pero hindi pa rin ito naayos at pinagpipilitan pa rin ng kapatid ko na sa kanya ang lupa at hindi kay Daddy. Direct inheritance daw from Lola.


May sakit po ngayon ang daddy ko at kailangan ang pera para sa operasyon, kinausap ko po siya para ibenta at hatiin namin pero pinagpipilitan na wala daw karapatan si daddy dahil pamana un ng lola namin sa kanya. May buyer na po sana kaso ang hinihingi nya ay masyadon g mataas sa presyo ng lupa at ayaw nya na hati sila ni daddy sa mapagbebentahan. Willing daw po siya na 1/3 ng mapagbentahan ay ibibigay kay daddy. Parang bata si Daddy na aambunan ng grasya sa lupang dapat naman ay para sa kanya. Hindi naming alam paanu niya napagawan ng papeles ng walang consent ni Daddy. Gusto po sana naming makuha ang rights para sa lupa dahil sa matinding pangangailangan sa gamot at operasyon.

Ilang beses na po namin siyang kinausap. Nagpatulong na po kami sa lahat ng kamaganak namin pero napakatigas ng puso. Hindi ko po alam paano niya natitiis ang ama namin. Wala po kaming balak solohin ang mapagbebentahan, ang gusto lang po namin ay hatiin ng patas sa pagitan ng Daddy ko at ng kapatid ko.

May laban po ba kami ng Daddy ko? Wala na po kasi akong ala na mapagkukunan ng pera para sa operasyon at gamot. Wala po akong balak singilin siya sa anu mang magagastos sa operasyon ang gusto ko lang ay ang para kay Daddy. Para kaming nanghihingi ng limos sa dapat ay para kay Daddy naman sana.. Sana po ay matulungan ninyo po kami,parang sobra ng naapakan ang pagkatao namin ng Daddy ko.

Sana ay matulungan nyo po ako at ama ko. Maraming salamat po.

Analiza Arellano
042 717-4620
1013 Maharlika Highway
Lusacan, Tiaong, Quezon 4325

Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum