Loader po ako ng Smart Load. at may retailer po ako na nagssmart padala at sa akin po ito tinetext sa kasunduan na hati kami sa tubo o kita.
Noon pong September di na po nya nareremit un payment at sinabi na pa nagbayad daw un nagpadala sa kanya na mga taga call center. nangako sya ng December pero di tumupad., hanggang February 2017, pumunta na kami ng abugado at nagpagawa na kami ng Acknowledgement of Obligation.
nakasaad po dito na babayaran niya ako ng hulugan hanggang June, 2017, kabuuang halaga ng utang ay 567,000 pesos.
Lagi siyang nangangako pero di naghuhulog. Hanggang May 2017 ay di na sya macontact at lumipat na din ng tirahan.
Ano po ang maari kong gawin?