Nais ko pong humingi sa inyo ng Free Legal advised and Counselling, sana matulungan nyo po ako tungkol sa legal problem na aking hinaharap laban sa former employer ko 4 months ago
Dati po akong isang Service Contractor, Non Regular Government Employee sa Philippine Statistics Authority (PSA) former National Statistics Office (NSO). Nagdesisyon po ako na huminto ng magtrabaho sa PSA bilang Service Contractor, at hindi na pumirma ng kontrata noong March 31, 2017. Bago pa ang araw ng pagtigil ko sa trabaho bilang Service Contractor sa PSA noong December 16, 2016 binigyan po kami ng bonus na umabot ng P48,000. Ang problema ko po ay ganito, Pagkalipas ng 4 na buwan simula ng huminto akong magtrabaho bilang Service Contractor ng PSA, pinuntahan ako ng assistant ng aking boss kasama ang driver nya sa aming address sa bahay at nagpareceived ng NOTICE OF DISALLOWANCE na noted ng COMMISION ON AUDIT OF THE PHILIPPINES, nakasaad po sa notice na aking natangap at base po sa aking pagkakaintindi ay illegal daw po at hindi tama na tumanggap o tanggapin ng isang Service Contractor ang BONUS na ibinigay sa amin, hindi daw po iyon bahagi sa kontrata na aming pinirmahan bilang Service Contractor at hindi kasama sa patakaran ng na ipinatutupad ng Civil Service Law, Rules and Regulations. Nagpapirma rin ang assistant ng boss ko sa akin ng dokomento katunayan na natangap ko ang notice sa aming address sa bahay noong August 03, 2017.
Karagdagan pa sa notice na aking natangap mula sa (COA) kailangan daw po na makipag ugnayan ako sa liable person na nag isyu sa amin ng BONUS upang aming i-settled ito sa loob ng 6 na buwan.
Ang problema ko po ay wala na po akong regular na trabaho, para isauli ang pera na BONUS na aking natangap, isa na lamang po akong ordinaryong tao na nagbebenta ng Cellphone load, hindi po sapat ang aking kinikita araw araw at naubos na po lahat ng naipon ko pati yung Bonus na ibinigay sa amin noong December 16, 2017 dahil ipinasok ko sa mga negosyo na hindi naman sinuwerte bagkus nalugi pa nga at walang bumalik sa akin na capital.
Sana matulungan nyo po ako kung ano ang aking gagawin sa problemang aking kinakaharap. Nag aalala po kasi ako ng husto sa problemang ito.
Maraming Salamat po at lubos na gumagalang,
Joel Gagaboan