Gusto ko po humingi ng advise about sa anak ko po. Meron po akong anak na babae 1 year old nakapangalan mo sa apelyido ko. Hindi po ako kasal sa kanyang nanay. Ngayon po ako lang po ang hands on sa anak namin mula ng pinanganak sya. Taga ligo taga padede pakaen at patulog. Wala pong trabaho ang nanay nya. Ako lang po ang bumubuhay sa amin. Wala rin po sila bahay. Ngayon po. Madalas binubugbog pa po ako ng nanay nya ng walang dahilan dahil sa mainit po palagi ang ulo nya sa akin. Pero hinayaan ko na lang po. Until lumipat po kami sa bahay ko dito sa cavite. Ganun pa din po ako po ang hands on sa bata linis ng bahay pakaen padede ligo at alaga. Sa bahay din po nauuwi ko ang trabaho ko. Ngayon po isang araw nag talo kami at nagpasya ang kanyang nanay na iwan po kami. Palagi po syang ganun sa twing mag aaway kami lumalayas po sy palagi. Ngayon po bumalik sya para kunin ang bata pero hindi ko po ibingay dahil una wala po syang trabaho, walang bahay at tanging sa kapatid lang nya sya tumitigil sa nirerentahan na apartment. Hindi din po kasi sya hands on sa anak namin. Papaano po ba ito? Ang bata po ay lumalaki ng makatatay. May way po ba para sa akin na ang bata dahil wala pong kakayahan ang nanay nya na mag alaga at bumuhay. Paano po ito? May laban po ba ako ngayon kinukuha nya sa akin ang bata?
Kailangan ko po ng advise nyo. Marami pong salamat