Free Legal Advice Philippines
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

Inherited Real estate property

Go down  Message [Page 1 of 1]

1Inherited Real estate property  Empty Inherited Real estate property Sat Jul 22, 2017 11:35 pm

Anahairam


Arresto Menor

Hi .Good day po. Gusto ko lang po sana humingi ng advice tungkol sa property namin. Dalawa lang po kaming magkapatid ng kuya ko at ako po ang bunso, parehas din po kaming adopted, yun nga lang po si kuya ay may mga papeles na dinaan siya judicially nung 1975, ako naman po ay may kasulatan lng ng pag ampon at ni late register po nila yung birth certificate ko nung 1991.

Yung kinatitirikan ng bahay namin dito sa manila ay undivided, my iskinita papasok at may 3 pintuan, yung dalawang pintuan ay pinapaupahan ng mother namin at hanggang ngayon po, Ang property na ito ay sa father ko nakatitulo noon at ka common po niya yung mother ko,ang pagkakaintindi ko po ay conjugal property po yun , kasi nabili po nila yung property year 1974.
Nung namatay po father ko ,wala po siyang last will tpos inayos ng mother namin ung titulo, gumawa siya ng "extra-judicial settlement of estate of the late.." Year 2010 nailipat sa amin ang titulo o TCT. Nakalagay po doon ang mga pangalan namin ng mother ko at kuya ko at may kanya kanyang share sa sukat nung lupa.
Ganito po ung paano na lagay:

Owner: (1)Name of my mother, widow, 4/6 share;
(2) Name of my brother, single, 1/6 share; AND
(3)My Name, single, 1/6 share;
All of legal age, Filipino Citizens
Address: 1-3: 8888 don ignacio st. Sampaloc, manila

(Example lng po ung address na yn)
Yung memoramdum of encumbrances ay yung about sa liabilities under section 4 rule 74

March 27, 2017 namatay po si mama dahil sa breast cancer, after 2 months, June 7, 2017 biglaan din pong namatay yung kuya ko dahil sa sakit sa puso at hika. Si kuya ay may legal na asawa at 2 anak . kso nung year 2004 biglang nabuntis yung asawa ng kuya ko sa ibang lalaki kahit magkasama sila sa isang bahay, dahil nangupahan sila nun. Iniwan ang kapatid ko,tpos ay itinakas ang 2 anak nila,pero year 2009 hinanap namin ng mother ko kung nasaan yung mga bata, at nung nahanap na namin ay dun nagsimula pumupunta dito yung 2 dalawang bata kapag hihingi lang ng budget nila, minsan lang sumablay ang kapatid ko sa pagbigay sknila ng budget ay sinabihan nilang wlang kwentang ama ang kuya ko. Hindi nila naintindhan na may maintenance na gamot na kylangan bilhin yung papa nila kaya hindi nakabigay ng isang beses,. Na confine din sa hospital kuya ko pero kahit isang beses hindi nila inalagaan o dinalaw. Minsan pinapadala nlng niya ung pera thru smart padala, at pg wla ng budget ung mga bata, tumatawag ung nanay nila at tinataranta ang kapatid ko. Bago namatay ang kuya ko may naging ka live-in siya at nagkaroon sila ng isang anak na 5years old,tpos ung unang anak nung ka live-in niya prang inampon na ni kuya kasi ni late register nila ung bata at my pirma si kuya sa acknowledgement of father. Wala naman po ako problema sa naging ka live-in ni kuya dahil alam niyang aawayin lng sya ng 1st family ni kuya.
Ngayon po ay nasa ibang bansa na ung ka live in ni kuya, ung anak nila nasa probinsya. Prinoproblema ko po ung legal na pamilya . kasi gusto nilang imanage yung paupahan na pangatlong pinto dahil yung 3rd door ung pinili ni kuya na mapupunta sa kanyang bayad ng upa at akin yung 2nd door. Ngayon nga ay gustong kunin nung 2 legitimate child ung monthly income every month galing sa upa. Sabi ko hindi lang sila yung anak ng kuya ko,
at denesisyon kong ibigay nga sknila un monthly, pinag open ko sila ng bank account para dun ko iwiwidraw ung pera,at dahil ayaw ko din idaan sa nanay nila yung pera, buti kung wala siyang dalawang anak sa ibang lalaki, at pagkaka alam ko hinuhulugan nya ung bahay nila sa antipolo na subdivision.
Ngayon pati ako ay sinasagot at dinuduro nila sa tuwing hindi ko sila pinapayagan sa mga gusto nilang mangyre, basta basta pa sila nagdedesisyon na magpapapa alis ng mga nangungupahan at hinihingi nila sa akin yung adoption paper ng kuya ko dahil hindi nman daw ako legal na kapatid. Pakiramdam ko ay gusto nila akong alisan ng karapatan.

Tungkol po sa akin, hindi pa po ako kasal at single mother po ako. Simulat sapul residente ako ng lugar namin kung san nga po ung property ng pamilya namin nakalagay. Ako ang kasama ng kuya ko sa bahay. Apat kami na nakatira sa 1st door , ako, yung anak ko, si kuya at yung anak niya sa ka live-in niya. Pagkatpos ilibing si kuya ay dinala sa probinsya ang bata ng nanay niya.

Ang tanong ko po ay:

Meron po ba akong pwedeng gawin para ipaglaban yung karapatan ng mga illegitimate at adopted child ni kuya?

Mag ka joint po ba kmi ng kapatid ko sa TCT?
Ano po yung karapatan ko bilang survivor owner o natirang sole heir ?

Tama po ba na hindi ko sila pinapayagan sa pag manage nung paupahan ?

Ung panganay kc ni kuya 19 years old na babae ,kso dalawa yung boyfriend, tpos iresponsable, yung pangalawa 17 years old lalaki, siya ung mas lumalaban sa akin dahil siya daw ung lalaking natira sa pamilya namin. Yung legal na asawa , sinasbi niya wla na dw sya dun sa property, at boses lang daw siya ng mga anak niya .. Pero iba ung sinasabi nya sa ginagawa niya.

Naaawa na po sa akin lahat ng kapitbahay namin , pti mga kapatid ng mama ko, eh wla nmn po silang mgawa dahil nsa basco,batanes po sila nkatira. Nagkakasakit nako kakaisip .

Atty., please pa help po .. Nahihirapan na po talaga ako.


Godbless po.

Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum