Bumili po kasi kami ng House and Lot at kakatapos lang namin mabayaran yung 10% na downpayment. Pero sa kasamaang palad, nagkakaproblema kami sa pera kaya di kami nakakakuha ng Loan sa mga bangko kaya sa ngayon, In-House yung binabayaran namin na sobrang mahal.
Dahil po dun, iniisip ko po na iforfeit nalang yung pagbili ng house and lot since baka lalong magkaproblema kung ipipilit naming bayaran yun.
So ang tanong ko po, if maforfeit nga po namin yung pagbili, may matatanggap po ba kaming refund? Nabasa ko po kasi sa internet nang naghanap ako about sa pagforfeit ng house and lot is that makakatanggap po kami ng 50% na total na nabayaran as refund [Real Estate Law]. Di ko po sure kung applicable sa case ko yun.
Pero natanong ko na din sa account officer ko na if maapprove daw yung refund, 10-20% daw matatanggap kong refund.
So, ano po ba talaga ang percentage na matatanggap kong refund if sakaling iforfeit ko siya?
Maraming salamat po sa makakasagot.