Tanong ko lang po, nag maternity leave ako nung November 15, 2016 na emergency CS ako pre-term. Ang leave ko 2 months since CS ako. As per advice ng HR natapos yung leave ko ng Feb 2, 2017. Pero before that nag file na agad ako ng Indefinite leave since alam ko hindi ako makakabalik after ng 2 months kasi na ICU yung baby ko due to heart problem. Na inform ko ng maayos yung HR namin in fact pumunta pa yung HR representative namin sa hospital at nakita niya yung lagay ng baby, though verbal lang sinabi niya na naiintindihan naman nila yung situation ko ngayun so humingi siya (HR) ng documents ng medical condition ng baby para yun daw ibibigay for Indefinite Leave, nabigay ko naman lahat ng need ng HR namin. Aware din si HR na months na kami asa ICU at hindi kami pwede umalis ng hospital kasi pinapatawag kami lagi. So parents lagi lang dapat asa hospital. Then eto na tapos na yung Feb 2, wala naman ako nareceive na notice or whatsoever na need ko na mag report back to work kasi tapos na yung maternity leave. Even si HR wala sinasabi sakin kasi lagi ko siya kinokontak for my SSS benefit. (Never na mention ni HR na hindi na approve yung Indefinite Leave, ang mali ko lang hindi ako nag follow up kung approve ba or hindi yung leave kasi tuliro ako sa ospital sa anak ko.) But since wala naman sinabi yung HR about sa leave na nirequest ko I was expecting na OK na.. Wala din naman siya sinasabi na hindi tinanggap yung pag file ko ng leave. So From Nov 15, 2016 to January 20, 2017 asa ICU yung baby ko. Pinakiusap lang namin na iuuwi ko na yung baby kasi sobrang laki na ng bill namin. Nag waiver na kami kaya Jan 25 nakalabas kami. Pero ang bilin ng doctor bantayan ko maigi kasi very critical ang condition ni baby for the next 6 mos. So kahit naka labas kami hindi pa rin ako pwede pumasok kasi ako mismo nag bantay sa baby ko. Still, coordinated pa din ako sa HR namin and aware sila na nakalabas nko pero close monitoring ang baby. Nung March, humingi sila ng updated medical condition ni baby for extension of leave daw. So since humingi sila meaning approve yung leave na nirequest ko? Fast forward, May yung ika 6 mos ni baby. Nirepeat lahat ng test na ginawa sakanya. Though andun pa rin yung heart condition niya for monitoring pa rin, pero ok ok naman na si baby unlike nung bagong panganak siya talaga. So nag inform na ako sa boss ko na babalik na ako sa work (nag inform ako sa boss ko hindi sa HR) sinabi ko pwede nko mag start ng JUNE. Then to my surprise, inactive na daw ako. Tapos hindi rin alam ng boss ko bakit inactive e nag sesend pa daw sya ng report na kasama pa ako sa employed, though naka (AA) yung attendanceko kasi on leave pa ako. So nag verify yung boss ko sa HR. And as per HR, inactive na daw ako kasi for separation na daw ako.. I was shocked kahit boss ko nagulat kasi pano nangyari na for separation. So ako na kumausap sa HR namin and yun nga sinabi, effective June 30, 2017 "TERMINATED" ako. What the hell. naka receive ako ng email ng Decision Notice, ang grounds nila is attendance "AWOL" what the hell, nag sama pa sila ng screenshot ng policy nila ng attendance, kung yun ang susundin. 1st Written Notice, 2nd Written Notice, Termination. In my case, wala ako nakuha na kahit anong notice. There should be RTW (Return To Work) after ng maternity leave if ever hindi nga nila tinaggap yung Indefinite leave na finile ko. If ever naman tinaggap nga nila and tapos na yung allowed extension ng leave na binigay nila, still wala paring notice. Basta na terminate ako bigla.
Paki sagot naman po ako, tama lang ba yung ginawa nila na na tem ako due to attendance "AWOL" imposible kasi yun, nakikipag communicate naman ako sa HR namin tapos biglang ganon. Sa previous company ko, pag hindi nagpakita yung ahente, nag papadala agad ng notice RTW. twice yun, at pag sumipot ka, may hearing sa HR para ipaliwanag mo bakit hindi ka nakapasok. At pag hindi ka naman dumating, dun pa lang papasok yung termination. Tama ba ako? Maling mali kasi para sakin yung ginawa ng company e. Tapos yung nakausap ko yung attorney nila, wala daw silang Indefinite leave, kaya malabo daw yung sinasabi ko. What the hell, in the first place. Kung wala nga sila nun bakit humingi ng documents yung HR namin? 2nd kung wala ngang ganon, bakit mula Feb, June ako na terminate? Sa loob ng 4 months hindi nila nagawa mag send man lang ng notice para pabalikin ako sa work. At 4 months bago ako naterminte.
Paki advice naman po kung anong tamang process, at kung tama sila.. And if ever mag file ako ng case. Malakas ba ang laban ko sakanila? Mataas ba ang chance na manalo?
Thanks,