Regular employee po ako sa kompanya pinagtatrabahuhan ko. Ang trabaho ko po ay servicing. May time po na pumupunta kami sa mga kompanya na kleyente namin. Onsite job po tawag namin dito. Kapag wala na naman po kaming onsite job nasa opisina lang kami. 8 to 5 po ang regular na pasok ko sa office. Pero kapag may onsite job kami pwedeng mabago ito ng mas maaga ng 7:00 to 4:00. Ang onsite job po namin maaaring tumagal ng 1 week . Dahil dito nagstay kami sa isang hotel kapg malayo sa opisina lalo na kapag out of town. Nagfifile po kami ng over time kapag somobra na kami sa regular na pasok namin. Ang concern ko po napansin ko po na binawabawasan ang oras ng overtime namin ng isa o dalawang oras. ang katwiran kase ng HR namin binabawas daw nila yung time na kumakain kami ng dinner. At yung pagalis namin ng hotel ng wala sa oras. Pero inexplain namin kahit nasa hotel na kami after work may mga documentation kami na ginagwa at tinatapos na ito ay work related pa din. Tama po na bawasin nila yung 1 or 2 hours na overtime namin. Since kailangan din naman naming kumain ng dinner kahit hindi pa tapos ang trabaho. May time pa nga po na hindi na kami nakakapagdinner then kumakain lang kami pagdating da hotel. Ater ng dinner derecho pa din ang work namin para sa documentation. Parang hindi nila kinoconsider yung mga documentation na ginagawa namin sa hotel na part naman ng trabaho pa din.