nagwowork po ako sa isang software startup company, tapos po may ini-investigate po akong software tool.
nagdownload po ako ng free version ng software pero sobra itong limitado, meron naman po silang inooffer ng 30 day free trial, kaso dahil po nagmamadali ako para makameet ng deadline, nag download po ako ng crack na makikita sa youtube para ma-test agad ang software tool.
kalahating araw ko po tinest yung software tool at nalaman ko na hindi sya tutugma sa requirements namin, kaya hininto ko na yung pag test.
kaso, nagpadala itong software tool na ito sa company nila ng info ng computer ko at natrack down ang IP address at company na pinagtratrabahoan ko, humihingi sila ng settlement na katumbas ng 2 taon na support service nila at yung pinakamahal na license nila na nagkakahalaga ng 12,000 USD.
napakaliit lang ng startup company na pinagtatrabahuan ko at may higit kalahating taon palang ang ito nagooperate, at wala pang income or sales dahil ginagawa pa ang software product na ibebenta.
sa laki po ng multa na hinihingi nila, mapipilitang magclose down ang company na pinagtatrabahuan ko.
hingi po sana ako ng advice kung:
1. talaga po bang kailangang ng company bayaran ang multa na hinihingi nila samantalang hindi naman nagamit ang software?
2. kung hindi po makapagbayad ang company at madissolve ito, may legal liabilities po ba ang mga shareholders?
3. may legal liabilities po ba ako?
Salamat po.