Ako po ay nanghiram ng pera sa isang kaibigan, gamit ang kanyang credit card ay nagcash advance kami. Though nagsinungaling ako sa kanya kung saan ko gagamitin ang pera. Nung mga una nakakabayad naman ako sa kanya kaya lang dumating ang time na nagkagulo sa bayad dahil palipat lipat ako ng trabaho at hindi pa uli fixed ang income. Ginagawa ko naman lahat para mabayaran siya kahit na masira na uli ako sa ibang tao dahil ang sabi niya sa akin eh kakausapin nya buong pamilya ko na ayoko sana mangyari kaya napipilitan ako gawan siya lagi ng paraan. Minsan hindi na natatanggap ang dahilan ko na wala lang ako panahon makadiskarte dahil nagtatrabaho ako sa opisina. Hindi ko lang cguro kaya matanggap ang kahihiyan kaya kahit sa papanong paraan ay napipilitan ako maghagilap ng pera may maiabot lang sa kanya. Sobra na po ako nadedepressed sa mga nangyayari na minsan ay hindi na ako makakain at makatulog. Sa ngayon naman po nsa kanya ang atm ko at buong sahod ko ang nakukuha nya kada cutoff. Ano po ba maaari ko gawin para maipaglaban ang sarili ko? Salamat po