Good morning po sa inyo Attorney, may cash loan p ako at balance transfer sa credit card ko possibleng ho ba na makasuhan ako f hindi ako makapagbayad? Kasi po sa ngayon honestly, walang-wala kami maliit lng naman sana minimum ko 2500 plus lng po. Before kasi nakapagbayad pa ako ngayon, talaga po na financial crisis kami, nilalakad na lng namin kadalasan papuntang trabaho at sa school nang panganay ko na 6 yrs po. Hindi ko po akalain na hahantong sa ganitong hirap at malaking pagsubok sa buhay namin. Sa ngayon po naghahanap ako ng paraan na makapag sideline para makabayad sa bank, pero wla pa akong nakita litong-lito pa ako kung anong ang pwedeng gawin. Sa maikling sabi po Attorney, handa naman po akong mgbayad pagmakaluwag. Ngwowork pa naman po ako at asawa ko kaso po e kulang talaga buti na lng meron kaming konting space na mapagtamnan yun po ang konting tanim ang syang ulam namin laging "damo" kung sa mga amerikano pa :-). Yun po, please po Atttorney, sana naman po mapili nyo po ako na mabigyan ng advice nyo po! Maraming salamat po sa nyo....
Sincerely Yours,
Beth