Need your legal advise regarding my situation. I rendered my resignation last June 5, 2017 and it will take effect on July 5, 2017. I was able to go to work from June 5 up until June 14. My rest day was thu-fri I was not able to report to work since then because of unexpected circumstances. I have 3 kids a 9yo, 7yo, and 3yo. Umalis na po katulong ko April. Mejo Ok pa saken yung pasok kasi bakasyon kaya di ganun ka-hassle. Dumating po asawa ko May 14 from abroad bakasyon lang po sya for 1mo. Pero yung bakasyon nya is more on training nag-undergo training po sya during his vacation. Training sched nya po was from 12nn-8pm sa Guadalupe we are residing in Cavite. My shift starts 10:30pm-7:30am. Mejo Ok pa ang lahat nung bakasyon not until school started. Pasok po ng mga bata 2 sa kanila from 6am-12nn and yung bunso 3pm-6pm. Asawa ko po nag-aasikaso sa umaga nagpapakain, naghahatid-sundo sa dalawang pang-umaga. Pagdating ko po sa bahay ng 9am ako na po nakatoka. Pakain sa bunso, prepare for lunch, hatid sa asawa ko ng 10am sundo sa mga bata ng 11:30am tapos ako na po nag-aasikaso lahat from the time ng lunch tapos asikaso sa bunso ko at 2pm pinaka pahinga ko lang po is yung time from 3pm-5:30pm tapos sundo ule sa bunso. Kasama ko mama ko po sa bahay Pero working din po sya sa isang NGO sa Panay Quezon City. Umaalis po mama ko 4am in the morning dumarating sa bahay between 6pm-8pm. Nakakapag-asikaso lang po ako sa sarili ko going to work pagdating ni mama kasi sa kanya ko po iniiwan saglet mga bata hanggang sa dumating po asawa ko. Yan po routine ko everyday fr Monday to Wed ang off ko po kasi ginagamit ko sa paglaba, linis ng bahay and everything. Nakaya ko po yan from the day nagstart ang school until June 14. Aware po ang supervisor ko at OM ko sa sitwasyon na meron ako. June 15-16 normal rest day routine ko laba, linis di na po Ok ang pakiramdam ko that time Pero pinilit ko pong tapusin lahat ng Gawain ko sa bahay pag hatid ko po sa bunso ko sa room June 16 ng 3pm paglabas ng room napansin ko na wala na po yung fon siguro dahil sa pagod di ko naramdaman na nahulog na sya sa bulsa ko and nagmamadali din po ako umuwe kasi makulimlim nainiisip ko mga sinampay ko. On my home bigla po bumuhos yung ulan so in short naulanan po ako. June 16 po din po yung alis ng asawa ko pabalik sa abroad and naihatid pa po namin sya sa airport. Dahil di na Ok pakiramdam ko plus the pagod nilagnat po ako kinagabihan, sakit ng ulo and katawan di na po ako nakapasok ng June 17. Di ko po nagawang mag-inform dahil wala nga po akong fon contacts lahat andun Pero June 20 po pumunta ako ng office para maghatid ng sulat explaining to my TL yung nangyari and nagpaalam na rin po ako na di ko na matatapos i-render yung 30days gawa ng wala na po ako katuwang sa pag-aasikaso sa mga bata. From that time I haven't heard din anything from my sup ni di rin po ako kinakamusta or anything wala. June 26 nakabili po ako ng bagong fon. June 30 payday po namin pag check ko po sa ATM ko wala pong laman. So nag-login po ako kinabukasan sa epayslip po namin and that's the time I found out na nakahold ang sahod ko po and I was tagged absconding. That same day kinausap ko po sup ko sa fb asking sorry but he's no longer willing to listen, he asked me to stop explaining and he said he's done I even told him na nagbigay ako ng sulat sa asawa nya sana nabasa nya and his response was he doesn't care anymore with what i am going to say. July 4 po nagmessage ako sa isang OM namin about my situation. He was surprised because they only knew that I just left. They don't have any idea about the letter I sent to my supervisor . Yung OM po namin binigay number saken ng HR namin to tell everything. So tinext ko po yung HR namin and I found out na may admin hearing na pala ako ng July 10, 2017. HR said they sent a return to work order by mail na wala po ako narereceive. And HR informed me na na cancel daw po yung resignation ko because of my absences. Gusto ko lang po malaman kung makatarungan po ba yung decision nila saken, tama po ba na i-cancel nila yung resignation ko ng ganun-ganun na lang. Despite the fact of the circumstances na pinagdaanan ko at pinagdadaanan until now? Atty I need your immediate reply po bago po sana dumating yung admin hearing ko. May laban po ba ko just in case? And can you help me find a lawyer na makakatulong po sa kaso ko just in case me laban po ako? Thank you po and God bless.