Hi Atty,
Nagwork po ako sa isang CC for 1yr. At natemporary layoff last Nov16. Tapos pinabalik kami ng Dec13.
Unfortunately, hindi po ako nakapasok.
Dahil una, hindi ako nakatanggap ng text nila dahil nawala cp ko at nagbago ng number. (Nalaman ko lang sa kasamahan ko)
Pangalawa, nasa malayong lugar ako.
Pero nagnotify ako sa boss ko.
Tapos Dec16, hindi ako ulit nakapasok dahil may sakit. Pero nagnotify ulit ako. Pero Terminated na daw po.
Pumunta nalang daw ako sa office para magpaclearance.
Pag punta ko ng office,
AWOL daw ako kaya hindi ko matatanggap last pay ko at 13th mo.
Nagpadala daw sila ng letter kaso lumipat na kami ng bahay kaya hindi ko natanggap.
Consider bang AWOL kung nagnotify naman ako?
At wala bang matatanggap na kahit ano pag AWOL?
pls help po.