Gud am po. Gusto ko lang po sana mag ask ng legal advise, kasi po ako po ay nireklamo ng dati kong kinakasama at nagpadala po ng letter sa kin ang PAO dhil daw meron akong mga nakuhang halaga sa dati ko kinakasama at mapipilitan sila tulungan na magsampa ng kaso sa kin kung Hindi ako pupunta sa Thursday ng umaga. Ang tanong ko po ay maari nya po ba ako sampahan ng kaso if Hindi ako dumating sa Thursday? Wala po ako naalala na pagkakautang sa knya habang kami ay nakatira sa iisang bubong. Sa totoo lang po ay sya ang may hawak ng ATM ko at sya din po ang kumukuha ng sweldo ko duon sa ATM sa loob ng halos 7taon nmin pagsasama. Sa kadahilanan po ng knyang sobrang pagseselos sa Hindi totoong bagay ay bigla nya po ako pinalayas sa pag aari nyang condo na tinutuluyan namin at ako po ay wala nakuha na kahit anong gamit ko maliban sa suot Kong damit ng oras na yun. Ako po ay napilitang umalis kahit na hating gabi na dhil nagpatawag sya ng guard ng condo para iescort ako pababa at palabas ng premises. Binaligtad nya ang mga pangyayari at sinabi nya na sinaktan ko daw sya at binubugbog ng oras na yun, pero ang totoo ay sya ang walang tigil sa pagsuntok at pagsipa sa kin at pagmumura at pagsasabi ng mga maruming salita na magnanakaw daw ako at kung d dahil sa knya ay matagal na ko Patay. Kaya kaladkarin daw ako ng mga guard pababa at wag na daw ako papapasukin kahit kelan. Nkita at narinig ng mga guards ang lahat ng pangyayari kayat sabi ko sa guard ay kunin ko sila witness ko, pero ang sinabi nya sa guards ay sya daw owner at sya dapat kampihan Hindi ako kayat natakot mga guards at ayaw na mag testigo. Sinend nya mga pics sa akin ofc mate na winasak nya mga damit at mga gamit ko at wala na raw ako gamit at sa basurahan ko puntahan. Kapag po nagseselos sya khit Hindi totoo ay nagiging violent sya sa kin, minsan na rin po nya ako iniskandalo sa pinapasukan Kong work, bigla po sya sumugod at punagsasampal nya ako dhil sa selos na walang katotohanan, witness po mga security nmin sa ofc kung panu nya pinagsisira mga gamit ko sa ofc. Ano po kaya ang pwede ko gawin dahil Hindi pa po ako handang humarap sa knya at lalo na po Hindi ko alam ang mga rights ko, feeling ko po ay lalo nya ako ididiin s mga bagay na Hindi totoo kapag nagpakita ako sa PAO sa Thursday ng umaga. Salamat po sa urgent na advise.