Currently, probationary po ako at 4th month ko na po. Gustong gusto ko na po talaga magresign dahil sobrang toxic ng boss ko.
First resignation ko po was refused. Kinausap po ako ng boss ko at parang pinalabas na dahil sa stress at sa messy process lang daw po ung reason ng resignation ko at sinabing hindi ako makaget along with my colleagues na sa tingin ko naman po hindi totoo. Dagdag na din po ung mga incident na pinagtrabaho nila ako ng mga projects sa company ng pinsan nya (nasa isang shared office po kami). Wala po akong OT pay pero kinailangan po gawin para matapos lahat ng deadline.
Nung kinausap po ako, nagthreathen na kailangan ko bayaran ng buo na isang bigay ung 50,000pesos na "training/grooming" bond. Pero wala po akong nareceive na kahit anong training maliban sa isang conference na worth 4,100pesos (not. including meal allowance). No choice po ako kaya nagagree po ako magstay na lang kahit labag sa loob ko.
After a few days, nakareceive po ako ng mas magandang offer sa isang company na gustong gusto ko po talaga at nagsabi po ako ulit na aalis po ako.
Wala po akong 50k kaya nagsabi po ako na kahit irender ko ung 30 days period without pay para ma-minus sa bond fee. Ang akin lang po, kahit bayaran ko na lang ung training bond pero feeling ko po talaga unfair ung 50k dahil hindi naman po umabot sa ganyan ang ginastos ng kompanya.
Hindi ko din po macheck ung contract ko dahil nung umpisa pa lang po ayaw po akong bigyan ng copy ng kontrata ko.
Ano po ba ang dapat gawin ko dito? Sana po mabigyan ninyo ako ng advice tungkol dito Salamat po.