Hi po. Itatanong ko lang po kung anong pupwudeng gawin namin sa lupa ng mga Lola ko na pinaggawan ng kalsada? Private property po yun, eh. May habol pa rin po ba yung mga Lola ko kung matagal ng tapos yung paggawa? Tsaka po yung tatay ng lola ko po, sinabing idodonate po yung lupa para mapatayuan ng paaralan. Napagawa na po yung paaralan. Sino po na po ang may ari noon? Another question po, may lupa hong pinamana yung tatay ng lolo ko sa kanila ng kapatid niya babae. Hindi pa ho na ililipat yung pangalan ng titulo sa lolo ko at sa kapatid niya. Matagal na panahon na po yung lupas at may mga umangkin na ho doon sa lupang pinamana. Noong pumunta daw ho ang mga lolo ko doon sa lupa ang sabi ng mga umangkin sa lupa, magkakamatayan daw ho bago makuha yung lupa. Ano po ang dapat gawin namin? May ginawa daw hong pekeng titulo yung mga umangkin. Patay na ho ang lolo ko. Ano po bang ang dapat gawin? Dapat ho bang ibenta na lang sa bangko yung lupa?
Free Legal Advice Philippines