Gusto ko pong itransfer sa ibang rehab facility ang anak ko kasi po plano ko na rin pong kunin sya sa Pilipinas by next year. Nung namention ko po sa rehab director, ang sabi po sa akin ay pag hindi tinapos ang 30 months program nya, kailangan kong magbayad ng Php 350,000.00 plus an additional Php 20,000 for each month na nagstay ang anak ko sa facility nila (endorsement po ng simbahan namin kaya naka discount). Unfortunately nasa contract po nila yun which I was not able to read thoroughly.
Question po, may possibility po ba na mapull-out ko ang anak ko without having to pay the penalty fee? Sabi po kasi nila mailalabas lang ang residente pag nabayaran ko lahat. Legal po ba na ang rehab program is for 30 months? nabasa ko po kasi sa RA 9165 na maximum of 1 year lang po dapat ang confinement. Please help po.