Good Afternoon sa mga makakabasa po nito, gusto ko lang po sana humingi ng payo sa hakbang na pwede ko pong gawin.
First of all, isa po akong discreet gay na gusto na pong magbago. Nagkaroon po ako ng karelasyong taga USA, na tulad ko din discreet gay. Umabot po ng 7 months ang relasyon namin. Naisipan ko po na hiwalayan sya dahil nadiskubre at napagtanto ko sa tulong ng mga kaibigan ko na may mental issue ang karelasyon ko (controlling na kasi sya tsaka suicidal pa). Hindi nya nagustuhan ang pakikipaghiwalay ko sa kanya. Nakiusap sya na wag ko daw sya hiwalayan, pero hindi ako pumayag, hiniwalayan ko pa din sya. Sa galit nya na hindi nya nakuha pa ang loob ko sinabihan nya ako na ibalik ko daw lahat ng pinadala nya sa aking pera (which is sya naman ang kusang nagbigay nito sa akin) kasi daw para lang daw yun sa husband nya (turing nya sa akin husband, nung okay pa kami). Ang problema ko po ngayon ay pinagkakalat nya na yung mga hubad kong pictures sa mga kamag-anak at kaibigan ko dahil hindi ko na maibalik lahat ng pinadala nya. At ang masaklap pa nito pinagresign ako ng agency ko sa work ko kasi sa takot ko sa pagbabanta nya na ipapadala nya sa HR ng pinagtatrabahuan kong kompanya ang pictures ko, nireport ko to agad. Pinagresign ako ng agency ko para makaiwas daw sa iskandalo.
Ano po ba ang pwede kong gawin bukod sa magdasal at ibalik lahat ng pinadala nyang pera (hindi ko na po kayang ibalik dahil wala akong pera), pwede ko po ba sya sampahan ng kaso? o ano po ba ang pwede kong gawin para manahimik na sya? nahihiya na po ako, nabuyangyang na sa karamihan ang pribadong parte ng katawan ko.