good day po. ito po ung nangyari. bumili ung dad ko ng lupa sa HGC (home guaranty corporation) na govt owned and controlled corporation. nilagay niya ito sa name ng auntie ko dahil siya lang ang may work nung time na iyon which is required ng HGC. pero iyong dad ko ang nagbabayad nun, nasa name lang ng auntie ko. tapos last year my dad decided na ilipat na sa name ko iyon. so, nailipat ung name sa akin from my auntie by deed of assignment, ako nagcontinue ng payment hangang mag full payment. nung na full payment na at may deed of sale na. inayos na namin siya for the process of registration/transferring of title to buyers name. kaso nung sa BIR, sinabi nila na hindi daw ako ang original buyer, kundi ung auntie ko. so, i need to pay capital gains tax dahil sa pag transfer ng name ng auntie ko papunta sakin. kahit daw di ko naman binili iyong lupa from my auntie at trinansfer lang by deed of assignment at kahit ako daw nagtuloy ng bayad. kailangan ko daw magbayad ng capital gains tax dahil any form of sale, exchange or disposal of real propery ay subject to capital gains tax daw at nagiba daw ang name. iyong transaction daw from HGC to my auntie, DST lang daw ang babayaran at exempt sa ibang taxes dahil govt ung HGC, pero ung transaction from my auntie to me, individual to individual na daw. tama po ba na magbayad ako ng capital gains tax? un po palang TCT, sa HGC pa rin nakapangalan. salamat po.