Ako po ay naglakas loob na sumulat para humingi ng assistance tungkol sa kaso po ng mother ko..
Ang mother ko po ay 66 yrs old. ay nasagasaan ng mixer truck habang tumatawid sa pedestrian lane noong March 11, 2017. Ngayun po ay ongoing na ang case sa Quezon City.. Dalawa po ang naging kaso ng driver
1. Reckless imprudence resulting in homicide.
2. Use of Dangerous Drugs. nag positive po kasi sya sa urine drugtest. noong March 13, 2017
Possible po kaya na ma i ammend namin ang case at ang ikaso ay ang bagong batas na RA 10586 anti drunk and Drugged Driving para po mas mataas ang maging penalty? Meron na pong tumutulong sa amin na atty. at inilapit na po nya sa fiscal para po ma i ammend. ang sagot po kasi ng fiscal ay "hindi pa ba kayo masaya at dalawa na ang kaso ng driver? kung gusto nyo mag file na lang kayo ng panibagong case.". Kung mag pa file po kami ng panibagong case baka po ma double jeopardy kami. Ang sa amin lang po... Maikaso ang tamang kaso para po sa nakapatay sa mother ko. May paraan po ba na RA 10586 ang ikaso sa driver.
Ako po ay himihingi ng tulong kung papaano po ang aming gagawin upang magkaroon ng katarungan ang pagkamatay ng aming mahal na ina...
Sana po ay matulungan nyo kami...
Maraming Salamat po..