Kami po ang last batch na pinagresign ng company.
During the announcement, sinabi nila kelangan pa namin pasukan yung April 16-30. At sabi nila matanggap man kami o hindi sa company B (nakabili ng system ni company A) makakatanggap pa din kami last pay at seperation pay ganun sa mga natanggap ng unang batch nagresign at sabi po nila. Matatanggap namin yung cheke namin ng May 5 which is pay day namin dapat. Sa cheque nandun na daw po yung sahod namin April 16-30(last pay), 13th month + seperation pay. Pero last May 5, hindi nila nirelease yung mga cheque namin dahil naghihintay ng go signal ng boss. At nagkaroon "daw" po ng miscommunication sa company B na employer ko ngayon.
Ask ko lang po, labag ba sa labor code natin yung short notice ng dismissal namin? Ilang days po ba dapat ang notice ng employer kapag tinaggal nila mga employee nila? Tama po bang pagsabayin nila ng bayad yung last pay at seperation pay? 4days delay na din po yung pangako nilang ibibigay sa amin last salary at seperation pay. Mauunawaan ko po sana kung yung seperation pay lang ang madelay pero po yung last pay din which is sahod namin na pinasukan namin last april 16-30. Sobrang delay na po.