nangupahan po ako sa manila, naiwan sa bulacan ang akin ex-wife and kids, dumadalaw-dalaw ako sa mga bata para magbigay ng sustento, natutulog din ako sa kanila, more than 3 years na kaming hindi nagtatabi ng wife ko at nag-uusap na lang kami basta tungkol sa mga bata. one time natulog ako sa bahay, na iwan nya ang cellphone nya at binuksan ko, at nakita ko sa messenger mga prends nya at mga conversations nila, may isa akong nakita sa messages na nakikipag-usap sya sa isang foreigner at ang sabi nya, ".... i am 3 years separated with my husband because he is with another woman...."
ang question ko po...
- accepted na ng wife ko na 3 years na kaming separated pero hindi kami nagfile ng annulment, in-case may mag-udyok sa kanya na kasuhan ako, ng concubinage, possible pa po ba gayon na may acceptance naman sya na separated na kami at nagsusustento naman po ako sa mga anak ko?
- sa 3 years na yun, nagkaroon na rin po ako ng makakasamang babae, kaya nung makita ko na kakipagmabutihan na sya sa foreigner thru social media eh hindi na sumama ang loob ko,
romeo