hi, good afternoon..hingi po sana ako ng legal advice 2yrs ago nahugot po kasi ang kuntador namin ng meralco at kailangan namin bayaran ang 3taon na kunsumo ng kuryente, at dahil po dun napilitan po kami makikabit sa tita namin, 2yrs na rin po kami nakikikabit sa kanila, apat na bahay po ang nakatayo sa lupa namin, ang dalawang ate ko ang nakakabit sa kanila, at ang bahay ng tatay ko sa isang ate ko nakaconnect at ang nanay ko sa panganay namin, maayos po silang nagbabayad at on time po, ngayong march po nakabayad ang mga ate ko ng kunsumo nila at ang tita ko ay di nakabayad sa meralco at naputulan sila dahil dun, nung nagkailaw na sila di na nila kinabitan ang mga ate ko ng kuryente, umabot pa ng tatlong araw bago nila sinabi na hindi na sila magpapakabit, at di rin sila nagpaliwanag kung bakit..ngayon po, sinasabi nila na ipababarangay daw nila ang tatay ko dahil ninakaw daw ng tatay ko ang kuryente nila kaya malaki ang binayaran nila kung dati daw po ay 1900 lang noong march ay umabot ng 2200 dalawang taon nang nakikikabit sa kanila ang mga ate ko, pati na rin ang tatay ko..sana po matulungan niu po ako at mabigyan ng legal advice tungkol dito...ano po kaya ang pwede naming gawing legal na hakbang tungkol sa sinasabi nila na ninakaw daw ng tatay ko ang kuryente nila, maayos na nagbabayad ng kunsumo ang mga ate ko, at may sub meter naman po sila..sila ang pumalya sa pagbabayad sa meralco at sa tatay ko sinisisi kung bakit lumaki ang bayarin at nahirapan silang bayaran.maaari po ba namin silang kasuhan laban sa pamimintang nila sa tatay ko? .salamat po sa makakatulong..
Free Legal Advice Philippines