Dahil sa hirap ng buhay, yung father ko nagdecide na mag-apply abroad so he borrowed money (100k) from his mother. 2005 yon. Ang usapan nila, babayaran nya si lola kapag nakaalis na sya. Kaya lang hindi sya nakaalis kasi naloko sya sa inaapplyan nya. Yung mother nya (na lola ko) bago mamatay, nagbilin na "oh yung hiniram mong pera, ibayad mo na lang sa kuya mo. pamana ko sa kanya yon." At dahil may work pa naman tatay ko nung namatay lola ko (2007 sya namatay) at willing to pay naman si papa, nagbayad sya paunti unti that same year. Nakabayad sya 17k. Last year naman, namatay yung kuya nya. So ngayon, yung asawa naman ng kuya nya ang nangungulit na magbayad kami sa kanya. Pinipilit nya yung tatay ko na magbayad e kahit naman gusto ng tatay ko, wala syang pambayad dahil wala syang trabaho. Yung asawa po kasi ng kuya nya e umaasta na parang sa kanya may utang ang tatay ko when in fact, my father borrowed the money FROM HIS MOTHER, NA LOLA KO.
Ito po ang concerns ko:
1. Pwede po ba yung utang e verbally lang? Transferrably verbally?
2. Dapat pa ho ba kaming magbayad? Originally po kasi, nung humiram ng pera ang tatay ko, the money was his mother's, NOT his brother's mana.
3. What can we do to settle this issue? Napapagod na ho ang tatay ko, pati kami sa pangungulit at paraan ng pakikipagusap nung asawa nung kapatid nya. Para ho kasing umaasa sila sa "utang" ng tatay ko ang magiging pambayad sa expenses nila.
Sana po matulungan nyo ko. Maraming salamat po.