Good afternoon po. Mag tatanong lang po sana. Last September 2016 ay nagfile po ako ng personal loan sa Hong Kong kung saan ako nagtatrabaho bilang kasambahay, sa natanggap ko pong loan ay may ka~share ako na ang kinuha nya ay $5,000. Oct and Nov ay ok pa naman po ang pagbabayad nya sa akin but Dec po ay hindi na siya nakabayad kaya ini advise ako ng Lending Company na i~file na lang ng re~loan na siya ngang ginawa ko. At nakatanggap pa ako ng karagdagang amount. But sadly, an incident happened which made me resigned from my job in HK and since i dont want to go back in the Phils. unemployed, I did look for another job in other country and a job i landed. Ngayon po, 3 months ko ng di nababayaran ang loan ko at hindi na din po nagparamdam ang ka~share ko sa loan. Then, i received a text message from the Lending company na nagsasabing i~issue na or dadalhin na next week sa bahay ng employer ko sa HK at sa home address ko sa Pilipinas ang aking warrant of arrest for estafa and warrant of seizure to sheriff and garnish property, possible po ba ito kahit wala ako sa Pilipinas? Pwede po ba nila i~file sa HK at Pilipinas ang kaso kahit wala ako dun? Sana po ay masagot ninyo, salamat po.