Gusto ko pong humingi ng advice tungkol sa matagal ko nang problema sa employer ko.
Under po ako ng isang kumpanya at sa kumpanyang ito ako lang ang pumapasok ng Sabado para tapusin ang trabaho ko na hindi kayang tapusin ng biyernes dahil sa dami nito, pero ayaw nila ako bayaran para sa araw na iyon o kahit overtime pay man lang. Tinanong ko sila kung bakit ako lang yung may pasok ng sabado at hindi ko ito pwedeng i-file bilang overtime, ang sagot nila, iba naman daw kasi ang trabaho ko sa trabaho ng ibang empleyado. Naisip ko parang hindi patas. Sino po ba ang tama sa amin?
Maraming salamat po at mabuhay po kayo...